284 Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos

1 Hindi alintana kung mahirap ang landas ng pananalig, ang tanging misyon ko ay isagawa ang kalooban ng Diyos; higit na balewala sa akin kung tumanggap man ako ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian sa hinaharap. Ngayong nagpasiya na ako na mahalin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang wakas. Anumang mga panganib o paghihirap ang nakakubli sa likod ko, at anuman ang kahinatnan ko, para masalubong ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, sinusundan ko nang husto ang Kanyang mga yapak, nagsisikap na sumulong.

2 Nakikita ko kung gaano nag-aalala ang Diyos. Paano ko dapat gawin ang aking tungkulin upang makibahagi ako sa Kanyang pasanin? Ang landas ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay mahaba at mahirap. Ang piliing mahalin ang Diyos ay nangangahulugang dapat nating gawin ang Kanyang mga tagubilin; ang paggawa lamang sa ating tungkulin nang maayos ay ang pagkakaroon ng totoong pagmamahal para sa Kanya. Napagpasiyahan kong hanapin ang katotohanan upang magdala ng kaginhawaan sa Diyos. Pinagkalooban ako ng Diyos ng buhay; tama at likas lamang na dapat akong maging lubos na matapat. Dapat kong gantihan ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng taimtim na pagmamahal sa Kanya. Ipinapakita ng mga paghihirap at pagsubok kung tunay na minamahal ng mga tao ang Diyos. Ang mga nakakaunawa sa katotohanan ay dapat lumaban upang patotohanan Siya. Gaano man katindi ang mga paghihirap at pagsubok, dapat pa rin tayong tumayong saksi. Mabuhay man tayo o mamatay, nabubuhay tayo para sa Diyos. Mabuhay man tayo o mamatay, nabubuhay tayo para sa Diyos.

Sinundan: 283 Magagawa Ko Nang Mahalin sa Wakas ang Diyos

Sumunod: 285 Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito