210 Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Diyos
I
Binalewala n’yo’ng mga salita
habang hanap ang mga yapak ng Diyos
na “Siya’ng katotohanan, daan at buhay.”
Nakatamo ng katotohanan
ngunit bulag sa yapak Niya,
‘di kinikilala’ng pagpapakita Niya.
Napakatinding pagkakamali’ng ginagawa nila.
Pagpapakita ng Diyos ay ‘di maipagkakasundo
sa mga kuru-kuro’t nais ng tao.
May sariling layunin at plano
ang Diyos sa gawain Niya.
Yamang hanap nati’y mga yapak ng Diyos,
dapat nating hanapin ang kalooba’t salita Niya.
Kung nasa’n bagong salita Niya,
naroon ang tinig Niya;
kung nasa’n mga yapak Niya,
naroon mga gawa Niya;
kung nasa’n mga pagpapahayag Niya,
do’n mahahanap ang pagpapakita Niya;
sa’nman Siya nagpapakita,
may katotohanan, daa’t buhay.
II
‘Di kailangang ipaalam o talakayin
ng Diyos sa tao’ng gawain Niya.
Ito’ng disposisyon ng Diyos
na ngayo’y dapat kilalanin ng lahat.
Upang makita’ng pagpapakita Niya,
masundan mga yapak Niya,
una, iwan ang sarili ninyong kuru-kuro.
‘Wag utusan ang Diyos sa dapat Niyang gawin,
o limitahan Siya sa ‘yong mga konsepto.
Dapat n’yong hangarin
kung pa’no hanapin ang mga yapak Niya,
tanggapin pagpapakita Niya,
sundin bago Niyang gawain.
Yamang ‘di taglay ng tao ang katotohanan,
dapat siyang maghangad, tumanggap, at sumunod.
Yamang hanap nati’y mga yapak ng Diyos,
dapat nating hanapin ang kalooba’t salita Niya.
Kung nasa’n bagong salita Niya,
naroon ang tinig Niya;
kung nasa’n mga yapak Niya,
naroon mga gawa Niya;
kung nasa’n mga pagpapahayag Niya,
do’n mahahanap ang pagpapakita Niya;
sa’nman Siya nagpapakita,
may katotohanan, daa’t buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan