Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan
I
Tunay na daan ay ipinapakita
ng anong mga pangunahing prinsipyo?
Tingnan kung Espiritu'y gumagawa,
kung katotohana'y inihahayag;
tingnan kung sinong pinatotohana't
anong dulot nito sa'yo.
Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din.
Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na
Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos,
Siyang Espiritu ng Diyos
na kumukuha sa anyo ng katawang-tao,
Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.
II
Dapat ding tingnan mo kung katotohana'y nasa daang ito.
Katotohanan, na normal na disposisyon ng buhay ng tao,
normal na katinuan, kabatiran, karunungan
at pangunahing kaalaman ng pagiging tao.
Katotohanan, na inilaan ng Diyos para sa tao mula pa sa paglikha.
Ang daan ba ay tungo sa normal na buhay?
Katotohanan ba nito'y hiling sa tao
na ipamuhay ang normal na pagkatao?
Praktikal ba at napapanahon?
Kung may katotohanan sa daang ito,
magiging tunay ang karanasan ng tao,
pagkatao't katinuan nila'y magiging ganap,
espirituwal at pisikal na buhay nila ay magiging mas maayos,
mga emosyon nila'y mas normal.
III
May isa pang tuntunin para matukoy ang daang tunay.
Napalago ba ng daang ito ang kaalaman ng tao sa Diyos?
Dapat pukawin ng katotohanan ang pag-ibig sa Diyos
sa puso ng tao
at mas ilapit ang tao sa presensya N'ya.
Reyalidad ang dulot ng katotohanan,
nagbibigay ng mga panustos ng buhay.
Hanapin ang mga prinsipyong ito at
hanapin ang daang tunay, ang daang tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao