256 Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan
Ⅰ
Nagtanong Ka kung gaano katagal akong susunod sa Iyo;
sinabi kong ibibigay ko ang kabataan ko
at Ikaw ay sasamahan ko.
Isang bulong ang nagmula sa aking puso,
mundo ay niyanig at inugoy mga bundok.
Ako ay sumumpa na pisngi ay puno ng luha,
ngunit hindi alam sarili kong pagpapaimbabaw.
Sa paglipas ng panahon,
malalaking pagbabago ang nagpahina sa damdaming iyon,
at mga sinumpaan ko sa Iyo ay naging mga kasinungalingan.
Sa wakas naunawaan ko ang kaunti kong naibigay.
Pagsisikap na gantihan Ka ay
mga salita lamang na walang laman.
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Ⅱ
Nang tayo ay nagkita, nagrebelde ako laban sa Iyo.
Ayaw ko nang alalahanin ang mga lumang eksenang iyon.
Ang dedikasyon kong walang katapatan
ay nagdulot ng mas matinding sakit sa Iyo.
Sa aking kabataan, Ikaw ay nagtrabahong mabuti para sa akin,
ngunit walang anumang pasasalamat na kapalit.
Ang mga taon na iyon ay dumaan sa akin
at kaunti ang aking napakinabangan.
Kanino sasabihin ang pagsisisi sa aking kalooban?
Sa wakas naunawaan ko ang kaunting naibigay ko.
Ang pagsisikap na gantihan Ka
ay mga salita lamang na walang laman.
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Nagmamadali paroon at parito,
hindi magawang kumonekta sa Iyong puso.
Minsan ay nagkataon na nagkita tayo, pero hindi Kita nakilala,
naiwan akong lalong nanghihinayang.