257 Hindi Pa Napapaginhawa ang Diyos

1 Dahil natikman ko na ang lubos na kapaitan ng katiwalian ng laman, lalo kong kinasusuklaman at kinamumuhian si Satanas. Marahas akong inilalantad at hinahatulan ng mga salita ng Diyos, at malinaw ko nang nakikita ngayon ang katotohanan ng aking sariling katiwalian. Sa pagtanggap sa paghatol at pagpipino ng Diyos, nadalisay ako, at pagkatapos ko lamang nalaman na ang pagkakamit ng katotohanan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng buhay. Nakikita ko na hindi madali ang gawain ng Diyos na iligtas ang tao. May konsiyensiya at katwiran, dapat akong magpasakop sa Diyos. Tinitiis ng Diyos ang kahihiyan upang gampanan ang Kanyang gawain, at ginagawa Niya ito upang makamit ang grupo ng tao na nagmamahal sa Kanya. Sa kaibuturan ko, nakokonsiyensiya ako at sinisisi ko ang aking sarili; kung hindi ko susuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Naghihintay ang Diyos na magsisi ang tao. Hindi ko na kayang pababain ang sarili ko at mamuhay ng hungkag na buhay. Hindi ko nakamit ang katotohanan o naisabuhay ang wangis ng tao, kaya bakit ako basta susuko?

2 Patapos na ang gawain ng Diyos, at wala pa akong masyadong pagbabago sa aking disposisyon. Kung wala ang realidad ng katotohanan, paano ako magiging matatag? Paano ko mapapayapa ang isipan ng Diyos at makakamit ang Kanyang tiwala? Napakalayo ko pa sa hinihingi ng Diyos, kaya paano ko Siya mapapalugod kung hindi ko isasagawa ang katotohanan? Hindi pa napapaginhawa ang Diyos; dapat akong mabuhay para sa Kanya upang masuklian Siya. Upang mapalugod ang mga layunin ng Diyos, handa akong magtiis ng anumang pagdurusa. Kung bibiguin ko Siya, pagsisisihan ko iyon habambuhay, at labis akong mahihiyang humarap sa Kanya. Bilang isang tao, dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya, at hindi na suwayin o saktan pa ang Diyos. Nais kong bumaling sa pagiging matuwid, at mahalin ang Diyos at maging tapat sa Kanya habambuhay; karapat-dapat lamang akong tawaging tao kung taglay ko ang katotohanan.

Sinundan: 256 Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan

Sumunod: 258 Determinado Akong Mahalin ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito