478 Paano Tratuhin ang mga Salita ng Diyos
I
Kayo’y Aking nabalaan.
Upang lupigin kayo,
nagbigay Ako ng katotohanan.
Salita Ko’y huwag pagdudahan;
hinding-hindi Ko ‘yan tutulutan.
Ako’y inyong pinagdududahan,
salita Ko’y hindi niyo tinatanggap.
Sa bawat isa sa inyo, sinasabi Ko:
Salita Ko’y ‘wag n’yong iugnay
sa kasinungalingan o pilosopiya,
bukod diyan, ‘wag harapin ito
nang may pangmamata.
Sana ay maniwala kayo
sa lahat ng sinasabi Ko,
at mas maunawaan din ang
kahulugan ng mga ito.
II
‘Wag husgahan o maliitin ang Aking salita,
o isiping Ako’y nanunukso,
o sabihing ‘di tumpak ang salita Ko.
Hindi Ko palalagpasin ito.
Ako’y inyong pinagdududahan,
salita Ko’y hindi niyo tinatanggap.
Sa bawat isa sa inyo, sinasabi Ko:
Mga salita Ko’y ‘wag n’yong iugnay
sa kasinungalingan o pilosopiya,
bukod diyan, ‘wag harapin ito
nang may pangmamata.
Sana ay maniwala kayo
sa lahat ng sinasabi Ko,
at mas maunawaan din ang
kahulugan ng mga ito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno