479 Ang Saloobing Dapat Ipakita ng Isang Tao sa mga Salita ng Diyos
Ⅰ
Katotohanan ang sinasabi Ko para sa buong sangkatauhan,
maging sino man kayo. Maglingkod sa katotohanan.
Sa buhay n’yo, maraming walang kinalaman dito,
kaya hinihiling ko, maging mga lingkod nito.
Binabalaan Ko kayo. Binabalaan Ko kayo.
Salita Ko’y tanggapin mula sa pananaw
ng katotohanan, nang may pagtutok at katapatan.
Huwag balewalain kahit isang salita.
Anuman doo’y h’wag maliitin.
Ⅱ
Kasamaa’y lisanin, sa kapangitan,
h’wag kayong paalipin.
Maging mga lingkod ng katotohanan.
‘Wag itong yurakan, ‘wag dungisan
anumang sulok ng bahay ng Diyos.
Maglingkod sa katotohanan.
Binabalaan Ko kayo. Binabalaan Ko kayo.
Salita Ko’y tanggapin mula sa pananaw
ng katotohanan, nang may pagtutok at katapatan.
Huwag balewalain kahit isang salita.
Anuman doo’y h’wag maliitin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala