685 Panindigan ang Dapat Gawin ng Tao
Ⅰ
Ang pag-aalay ng dalisay na birhen
at banal na espirituwal na katawan,
ibig sabihin ay pananatili
ng pusong tapat sa harap ng Diyos.
Para sa sangkatauhan, ang pananatiling
matapat sa Diyos ay kadalisayan.
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay may isang kondisyon:
Dapat buong lakas ng pusong hangarin ng tao,
huwag mag-alinlangan sa mga pagkilos ng Diyos,
ipagpatuloy ang tungkulin nila sa lahat ng oras.
Sa ganitong paraan lamang makakamit
ang gawain ng Banal na Espiritu.
Yamang natitiyak mong totoo ang landas na ito,
dapat mo itong sundin hanggang sa huli,
panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos.
Yamang nakita mo na ang Diyos Mismo’y
naparito sa lupa upang maperpekto ka,
dapat ibigay mo sa Kanya ang buong puso mo.
Anuman ang ginagawa Niya,
kahit masama ang kalabasan mo,
maaari mo pa rin Siyang sundin palagi.
Ito’y pagpapanatili ng kadalisayan.
Ⅱ
Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos,
dapat may malaking pananampalataya ang sangkatauhan,
at dapat siyang maghangad sa harapan ng Diyos.
Sa pamamagitan ng karanasan lamang
makikita ng tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos,
makikita kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu.
Kung ‘di mo nararanasan, kung ‘di mo nadarama
ang iyong landas sa pamamagitan nito,
kung ‘di ka naghahangad, wala kang makakamit.
Dahil sa pamamagitan ng karanasan mo
makikita ang mga gawa ng Diyos,
makikita mo kung gaano
Siya kahanga-hanga, gaano S’ya ‘di maarok.
Yamang natitiyak mong totoo ang landas na ito,
dapat mo itong sundin hanggang sa huli,
panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos.
Yamang nakita mo na ang Diyos Mismo’y
naparito sa lupa upang maperpekto ka,
dapat ibigay mo sa Kanya ang buong puso mo.
Anuman ang ginagawa Niya,
kahit masama ang kalabasan mo,
maaari mo pa rin Siyang sundin palagi.
Ito’y pagpapanatili ng kadalisayan.
Tuparin ang tungkulin ng isang nilikha,
anuman ang kalabasan,
hangaring makilala at mahalin ang Diyos,
huwag magreklamo paano ka man tratuhin ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos