780 Nais ng Diyos na Makamit ang mga Taong May Tunay na Kaalaman Tungkol sa Kanya
I
Ang kaalaman sa disposisyon ng Diyos,
lahat ng mayroon Siya’t lahat ng kung ano Siya
ay tumutulong sa taong magkaroon ng kumpiyansa,
sundin at katakutan Siya,
‘di na bulag na sumusunod,
ni bulag na sumasamba sa Kanya.
Ayaw ng Diyos sa mga hangal,
bagkus yaong may malinaw na pang-unawa
sa disposisyon ng Diyos.
Maaari silang gumanap bilang mga saksi ng Diyos.
Nakikita ang Kanyang pagiging Diyos,
Siya ay matuwid at kaibig-ibig,
hindi nila kailanman Siya iiwan.
Sa tunay na pagkaunawa lamang
tunay na paniniwala ay makakamtan ng tao,
maa’ri silang maging tunay na tagasunod,
maipapakita nila’ng totoong pagsunod,
maipapakita nila’ng totoong paggalang.
Sa ganitong paraan lamang nila
maipagkakaloob ang puso nila sa Diyos,
bubuksan ang sarili sa Kanya!
Ito ang gusto ng Diyos,
na lahat ng ginagawa’t iniisip nila’y
makakalagpas sa pagsubok Niya,
makakapagpatotoo.
II
Kung hindi masyadong malinaw sa puso mo
ang pag-iral ng Diyos,
kung anong mayroon at kung ano Siya,
ang plano Niyang iligtas ang mga tao,
kung gayo’y ‘di Niya pupurihin ang pananalig mo.
‘Di gugustuhin ng Diyos ang ganitong tagasunod.
Hindi Niya gusto
ang ganitong uri sa Kanyang harapan.
Siya’y hindi nila naiintindihan,
‘di nila maibibigay ang puso nila sa Kanya,
sarado ang puso nila sa Kanya,
kaya’t ang pananalig nila’y may mga dumi,
bulag sila sa kanilang pagsunod.
Sa tunay na pagkaunawa lamang
tunay na paniniwala ay makakamtan ng tao,
maa’ri silang maging tunay na tagasunod,
maipapakita nila’ng totoong pagsunod,
maipapakita nila’ng totoong paggalang.
Sa ganitong paraan lamang nila
maipagkakaloob ang puso nila sa Diyos,
bubuksan ang sarili sa Kanya!
Ito ang gusto ng Diyos,
na lahat ng ginagawa’t iniisip nila’y
makakalagpas sa pagsubok Niya,
makakapagpatotoo.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III