781 Pagkilala sa Kanya ang Huling Hinihingi ng Diyos sa Sangkatauhan
Ⅰ
Ang pag-alam sa salita ng Diyos
ay pagkilala sa Kanya at
pag-alam sa Kanyang gawain.
Ang pag-alam sa mga pangitain
ay pagkilala sa Diyos sa katawang-tao,
sa Kanyang pagkatao, salita at gawain.
Mula sa salita ng Diyos, nakikilala Siya ng tao.
Mula sa salita ng Diyos,
nalalaman nila ang Kanyang kalooban.
Mula sa gawain ng Diyos,
nalalaman nila ang Kanyang disposisyon.
Mula sa gawain ng Diyos,
nalalaman nila kung ano Siya.
Pagkilala sa Diyos ang huling epekto
na nakakamtan pag gawain Niya’y kumpleto,
ang huling hinihingi ng Diyos sa tao.
Ito’y para sa Kanyang huling patotoo.
Kaya ginagawa ng Diyos ang gawaing ito’y
nang sa huli’y lubos na bumaling sa Kanya ang tao.
Ⅱ
Pananampalataya ang unang hakbang sa pagkilala sa Kanya.
Lumalago hanggang lumalim ang pananampalataya—
ganito Siya nakikilala at gawain Niya’y nararanasan.
Kung pananampalataya mo sa Diyos
ay basta maniwala at di para
sa layon na makilala Siya,
walang realidad sa pananampalataya mo;
walang dudang hindi dalisay ang paniniwala mo.
Pagkilala sa Diyos ang huling epekto
na nakakamtan pag gawain Niya’y kumpleto,
ang huling hinihingi ng Diyos sa tao.
Ito’y para sa Kanyang huling patotoo.
Kaya ginagawa ng Diyos ang gawaing ito’y
nang sa huli’y lubos na bumaling sa Kanya ang tao.
Ⅲ
Kung pinagdadaanan ng tao ang gawain ng Diyos,
unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos,
unti-unting magbabago ang disposisyon niya,
nagiging mas tapat ang kanyang paniniwala.
Pag nagtatagumpay ang paniniwala sa Kanya ng tao,
sa oras na iyon, Diyos ay lubos siyang matatamo.
Ginawa ng Diyos ang lahat para muling maging tao,
upang Diyos ay makilala’t makita rin ng tao.
Pagkilala sa Diyos ang huling epekto
na nakakamtan pag gawain Niya’y kumpleto,
ang huling hinihingi ng Diyos sa tao.
Ito’y para sa Kanyang huling patotoo.
Kaya ginagawa ng Diyos ang gawaing ito’y
nang sa huli’y lubos na bumaling sa Kanya ang tao.
Mamahalin lang ng tao ang Diyos pag nakilala Siya.
At para iyon magawa, Diyos ay
dapat ding maunawaan niya.
Ano at paano man siya naghahanap,
Diyos ay dapat niyang makilala.
Yon lang ang paraan para kalooban Niya’y magawa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos