524 Tunay Bang Naging Buhay Mo Na ang Salita ng Diyos?
Sinasabi ng taong pinapayagan nilang
maging buhay nila ang Diyos,
nguni’t ‘di pa nila ‘to nararanasan.
I
Sinasabi lang nilang Diyos ang kanilang buhay
na sila’y Kanyang ginagabayan araw-araw,
na salita Niya’y binabasa nila’t
nagdarasal bawat araw,
at sa gayon Siya’y kanilang naging buhay.
Kanilang kaalaman ay sobrang mababaw.
Maraming tao’ng walang pundasyon;
mga salita ng Diyos
naitanim na sa kanilang loob,
nguni’t ‘di pa umuusbong, ‘di pa namumunga.
‘Pag karanasan mo’y dumating na sa punto,
‘di ka makaalis, kahit pa ika’y paalisin.
Lagi mong madarama na ‘di mo makakaya
kung sa iyong loob ay walang Diyos.
II
Ang kawalan ng Diyos
ay kawalan ng ‘yong buhay.
Hindi ka mabubuhay nang walang Diyos.
‘Pag sa puntong ito’y naranasan mo na,
pananalig mo sa Diyos ay magtatagumpay.
Sa paraang ito, Diyos magiging buhay mo
at pundasyon ng ‘yong pag-iral,
sa gayon ika’y hindi na muli pang
maaaring malayo mula sa Diyos.
Sa puntong ito’y ‘yong matatamasang
tunay ang pag-ibig ng Diyos,
ugnayan mo sa Diyos lumalagong mas malapit,
Diyos ay magiging buhay mo’t pag-ibig.
Ito ang tunay na tayog ng tao;
ito’y tunay na buhay.
III
Dapat maranasan mo’ng
Diyos ang ‘yong buhay,
na tila ‘pag Siya’y kinuha sa’yong puso,
siya ring kawalan ng ‘yong buhay;
Diyos ang ‘yong buhay, ‘di mo Siya maiiwan.
Sa paraang ito,
tunay ngang dinaranas mo ang Diyos.
Sa oras na ‘to,
kapag muli mong ibigin ang Diyos,
magagawa mong ibigin ang Diyos nang tunay.
Ito’y magiging iisa, purong pag-ibig.
‘Pag mga karanasa’y umabot na sa punto,
‘pag nagdarasal,
kumakai’t umiinom ng salita ng Diyos,
puso mo’y ‘di maiiwan ang Diyos,
hindi mo Siya magagawang limutin.
IV
Diyos ay tunay mong magiging buhay.
Malilimutan mo ang mundo,
mga asawa’t mga anak;
nguni’t mahihirapan kang limutin ang Diyos.
Ito’ng ‘yong tunay na buhay
at pag-ibig sa Diyos.
‘Pag ang pag-ibig ng tao’y umabot sa punto,
walang maihahambing
sa kanilang pag-ibig sa Diyos.
Kaya naisusuko nila ang lahat ng bagay
at natatanggap lahat ng pakikitungo ng Diyos.
Kapag iyo nang nakamit
pag-ibig sa Diyos na humihigit sa lahat,
ika’y mabubuhay sa realidad
at mabubuhay sa pag-ibig ng Diyos sa iyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag