523 Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw

I

Umaasa ang Diyos na makakaya ninyong kumain at uminom nang mag-isa, at lagi kayong mabubuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos, at hindi kailanman lumayo sa mga salita ng Diyos sa inyong buhay; saka lamang kayo mapupuspos ng mga salita ng Diyos. Sa bawat salita at gawa mo, ang mga salita ng Diyos ang tiyak na gagabay sa iyo pasulong. Kung tapat kang lalapit sa Diyos sa ganitong antas, at palaging makikipagbahaginan sa Diyos, kung gayon ay wala kang gagawin na mauuwi sa kalituhan o mag-iiwan sa iyo nang hindi alam ang gagawin. Siguradong makakatabi mo ang Diyos, lagi kang makakakilos alinsunod sa salita ng Diyos.

II

Sa bawat tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap mo, ang salita ng Diyos ay magpapakita sa iyo anumang oras, ginagabayan ka na kumilos alinsunod sa Kanyang mga layunin at sumunod sa Kanyang salita sa lahat ng ginagawa mo. Aakayin ka ng salita ng Diyos nang pasulong sa bawat kilos mo; hindi ka kailanman maliligaw, at magagawa mong mamuhay sa bagong liwanag, na may higit at mas bagong mga kaliwanagan. Hindi mo maaaring gamitin ang mga kuru-kuro ng tao para pag-isipang mabuti ang dapat mong gawin; dapat kang magpasakop sa paggabay ng salita ng Diyos, magkaroon ng malinis na puso, maging tahimik sa harapan ng Diyos, at lalo pang magnilay-nilay. Huwag kang mabalisang maghanap ng mga solusyon sa mga bagay na hindi mo nauunawaan; dalhin ang gayong mga bagay sa harapan ng Diyos nang mas madalas, at mag-alay sa Kanya ng tapat na puso.

III

Maniwala na ang Diyos ang iyong Makapangyarihan sa lahat. Dapat kang magkaroon ng masidhing paghahangad para sa Diyos, sabik na naghahanap habang tumatanggi sa mga pagdadahilan, intensyon, at pakana ni Satanas. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina. Maghanap nang buong puso; maghintay nang buong puso. Aktibong makipagtulungan sa Diyos, at alisin sa iyong sarili ang lahat ng humahadlang sa kalooban mo.

mula sa Pagbabahagi ng Diyos

Sinundan: 522 Mamuhay Ayon sa Salita ng Diyos Upang Mapasainyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Sumunod: 524 Tunay Bang Naging Buhay Mo Na ang Salita ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito