525 Hangarin Mong Maging Isang Taong Tunay na Sumasamba sa Diyos
1 Ang paghahangad na maging mga taong tapat na sumasamba sa Diyos ang pananaw na dapat nating taglayin. Ang hindi na labanan ang Diyos, hindi na Siya gawing nasusuklam, hindi na iparamdam sa Kanya na mainis at laging magalit sa atin, aliwin ang puso Niya, at maging mga taong tunay na sumasamba sa Diyos gaya ng ginawa ni Abraham—ang mga ito ang bumubuo sa pananaw sa buhay na dapat nating taglayin. Kapag mayroon kang ganitong pananaw at ganitong uri ng pag-iisip na malalim na nakatanim sa isip mo, at kapag naghahanap ka nang naaayon sa mga ito, hindi ka gaanong matutukso at masisilaw sa makamundong kayamanan, katayuan, at reputasyon.
2 Kapag ginamit mo ang lahat ng iyong pagsusumikap at karanasan tungo sa pagtatamo ng ganitong pananaw, hindi mo mamamalayan, ang mga salita ng Diyos ang magiging mga panloob mong kasabihan at batayan ng iyong pananatiling buhay, ang mga salita Niya ang magiging buhay mo, at sa kaibuturan mo, ang mga ito ang magiging landas mo sa buhay. Sa sandaling iyon, hindi na magiging mahalaga sa iyo ang lahat ng makamundong bagay. Kaya, ang pananaw sa buhay na dapat taglayin ng isang tao ay ang maghangad na maging isang taong may katotohanan at pagkatao, isang taong may konsensya at katwiran at sumasamba sa Diyos; iyon ay, maging isang tunay na tao—ito ang pinakawastong paghahangad.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao