105 Napakaligaya Nating Namumuhay sa Harap ng Diyos
Mga kapatid, tamasahin ang mga salita ng Diyos
at mamuhay nang maligaya sa harap ng Diyos.
Ⅰ
Sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos,
ang kaalaman natin sa katotohanan ay nagiging tunay.
Ang mga relihiyosong kuru-kuro ay naaalis,
at nakikita nating ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan.
Dumadalo tayo sa piging ng kasal ng Cordero,
ang ating mga puso ay hindi maihahambing ang kagalakan.
Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos,
nalinis tayo at nakilala ang praktikal na Diyos.
Sumunod lang tayo sa mga seremonya, napakalabo ng ating pananampalataya.
Ngayon si Cristo ng mga huling araw ay nangungusap ng mga salita Niya;
Siya ay nagtutustos, nagpapastol sa atin; lahat ay totoo.
Sa pagkilala sa katotohanan, nakalaya tayo, at namumuhay sa harap ng Diyos.
Mga kapatid, tamasahin ang mga salita ng Diyos
at mamuhay nang maligaya sa harap ng Diyos.
Ⅱ
Sa pagbabahagi ng katotohanan, nalalaman natin
ang ating pagmamataas, panlilinlang, kawalan ng pagkatao.
Kinamumuhian natin ang ating sarili, tinatalikdan ang laman.
Naninindigan tayong mapalugod ang Diyos at magsagawa ng katotohanan.
Ginawa tayong matapat, na may iisang mga saloobin at gawa,
wala ang mga paraan ni Satanas, walang pagkahuwad.
Magkakasundo tayong gumagawa nang magkakasama,
sumusunod sa katotohanan at pumapasok sa mga salita ng Diyos.
Minamahal natin at tinutulungan ang isa’t isa, kumikilos ayon sa katotohanan,
isinasagawa ang pagmamahal sa Diyos, ginagawa nang mabuti ang mga tungkulin.
Isinasabuhay natin ang wangis ng tao
upang magluwalhati at magpatotoo sa Kanya.
Mga kapatid, tamasahin ang mga salita ng Diyos
at mamuhay nang maligaya sa harap ng Diyos.
Ⅲ
Ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos sa mga panahon ng pagdurusa at paghihirap.
Ang malupit na malaking pulang dragon ay hambingan ng Diyos.
Sa pagkakita sa pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos,
palagi tayong susunod sa Diyos nang may buong pananampalataya.
Sa lahat ng uri ng mga pagsubok at mga paghihirap,
nakikita natin ang totoong Satanas, at nararamdaman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.
Dakilang pag-ibig ng Diyos na mayroon tayong bahagi sa
pagdurusa, kaharian, at pagtitiyaga ni Cristo.
Habang gumugulang nang gumugulang ang mga tao ng Diyos,
lalong bumabagsak ang malaking pulang dragon.
Lubos nang naganap ang mga salita ng Diyos.
Ang kaharian ni Cristo ay nasa lupa, palagi nating pupurihin ang Diyos.
Mga kapatid, tamasahin ang mga salita ng Diyos
at mamuhay nang maligaya sa harap ng Diyos.