2. Mula nang nalagay sa kapangyarihan ang CCP, walang tigil ang pag-uusig nito sa relihiyosong paniniwala. Ang partikular na panunupil nito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lalong naging matindi. Ang CCP ay hindi lamang gumamit ng telebisyon, radyo, pahayagan, internet at iba pang media upang siraan, pagbintangan at pasinungalingan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ngunit nagsagawa rin ng malawakang pag-aresto sa mga miyembro nito, na nagresulta sa pagkakulong at malupit na pagpapahirap sa maraming Kristiyano, at maging sa pagpapahirap hanggang sa kamatayan. Bakit matindi ang pag-uusig ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).
“Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Pahayag 12:9).
“At ito ang kahatulan, naparito ang liwanag sa sanlibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa sa liwanag; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa liwanag, at hindi lumalapit sa liwanag, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19–20)
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mula itaas hanggang ibaba at mula simula hanggang wakas, ginagambala na ni Satanas ang gawain ng Diyos at kumikilos laban sa Kanya. Lahat ng pag-uusap na ito tungkol sa “sinaunang pamanang kultura,” mahalagang “kaalaman tungkol sa sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at mga seremonyang pyudal” ay dinala na ang tao sa impiyerno. Ang mas maunlad na makabagong-panahong siyensya at teknolohiya, pati na ang lubhang maunlad na industriya, agrikultura, at pagnenegosyo ay hindi makita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga ritwal na pyudal na ipinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, labanan, at lansagin ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito patuloy na sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais pa nitong lunukin nang buo[1] ang tao. Ang paghahatid ng moral at etikal na mga turo ng pyudalismo at ang pagpapasa ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay matagal nang nahawahan ang sangkatauhan, at ginawa silang mga diyablong malalaki at maliliit. Iilan lamang ang masayang tatanggap sa Diyos, at buong kagalakang sasalubong sa Kanyang pagdating. Ang mukha ng buong sangkatauhan ay puno ng layuning pumatay, at sa lahat ng lugar, ramdam ang layuning pumatay. Hangad nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; hawak ang mga kutsilyo at espada, inaayos nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban upang “puksain” ang Diyos. Sa buong lupaing ito ng diyablo, kung saan palaging itinuturo na walang Diyos, nagkalat ang mga diyus-diyusan, at nakakalat sa hangin sa ibabaw ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, na masyadong makapal kaya mahirap huminga. Para iyong amoy ng putik na sumisingaw pataas sa pagpulupot ng makamandag na ahas, kaya hindi mapigil ng tao na masuka. Bukod dito, bahagyang maririnig ang ingay ng masasamang demonyo na sabay-sabay na sinasambit ang mga banal na kasulatan, isang ingay na tila nanggagaling sa malayong impiyerno, kaya hindi mapigil ng tao na manginig. Sa lahat ng dako ng lupaing ito ay may nakalagay na mga diyus-diyusan na kakulay ng bahaghari, na ginagawang isang mundo ng mahahalay na kasiyahan ang lupain, samantalang patuloy na humahalakhak nang buong kasamaan ang hari ng mga diyablo, na para bang nagtagumpay na ang masamang balak nito. Samantala, nananatili itong lubos na wala sa loob ng tao, at ni wala rin siyang kamalay-malay na nagawa na siyang tiwali ng diyablo hanggang sa punto kung saan nawalan na siya ng pakiramdam at nakayuko dahil sa pagkatalo. Nais nitong palisin, sa isang iglap, ang lahat ng tungkol sa Diyos, at muli Siyang pasamain at paslangin; hangad nitong ibagsak at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na makapantay sa katayuan? Paano nito matitiis na “humadlang” ang Diyos sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito matutulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paano mapapayagan ng diyablong ito, na nagpupuyos ang galit, na makontrol ng Diyos ang maharlikang hukuman nito sa lupa? Paano nito matatanggap nang maluwag ang nakahihigit na kapangyarihan Niya? Nabunyag na ang kasuklam-suklam nitong mukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng tao kung tatawa siya o iiyak, at talagang mahirap itong banggitin. Hindi ba ito ang diwa nito? May pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na di-kapani-paniwala ang kagandahan nito. Ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen![2] Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao, at napaglaruan nila nang husto ang tao kaya nagmukha siyang isang malupit na hayop sa parang, napakapangit, at wala na ang pinakahuling bakas ng orihinal na taong banal. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa, at nasarhan na kapwa ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos kaya hindi na sila mapasok. Totoo, mortal na kasalanan ito! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong hindi mapopoot ang Diyos? Matindi na nilang hinadlangan at kinalaban ang gawain ng Diyos: Napakasuwail!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7
Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[3] walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[4] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatakpan nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwala na ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay di-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap na sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis na ng kanilang buhay o nagpadanak na ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang inalipin ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nakaukit sa puso ang libu-libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang pagsisikap at binayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at talikuran ang masama at matandang diyablong ito. Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayon katinding pananabik sa Diyos? Bakit patatawagin ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Sa madilim na lipunang ito, bakit hindi hinahayaan ng nakakaawang mga asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8
Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling malantad ang mga pakana at tunay na anyo ni Satanas, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito. Pagkatapos nito, ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ito ay dahil sumiklab ito sa galit sa pagkagising ng tao sa katotohanan; at nakabubuo ito ng isang makapangyarihang paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang paghahangad na magkaroon ng kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol at pagtibayin ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.
Sa bawat bagay, inilalantad ng kilos ni Satanas ang masamang kalikasan nito. Mula sa lahat ng masasamang gawa na ginawa ni Satanas sa tao—mula sa naunang mga pagsisikap nito na dayain ang tao upang sundin ito, hanggang sa panggagamit nito sa tao, kung saan ay kinakaladkad nito ang tao tungo sa masasama nitong gawa, hanggang sa paghihiganti ni Satanas sa tao matapos malantad ang tunay nitong anyo; at nakilala at tinalikdan ito ng tao—wala kahit isa sa mga gawang ito ang nabigong ilantad ang masamang diwa ni Satanas; wala kahit isa ang nabigong patunayan ang katotohanan na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng masasamang bagay. Ang bawat isa sa mga kilos nito ay nangangalaga sa kasamaan nito, nagpapanatili sa pagpapatuloy ng masasamang gawa nito, kumakalaban sa matuwid at positibong mga bagay, at sumisira sa mga batas at kaayusan ng karaniwang pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga gawang ito ni Satanas ay laban sa Diyos at ang mga ito ay wawasakin ng poot ng Diyos. Bagaman si Satanas ay may sariling matinding galit, ang matinding galit nito ay isang pamamaraan lamang upang mailabas ang masamang kalikasan nito. Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay ito: Nalantad ang napakasamang mga pakana nito; ang mga lihim na balak nito ay hindi madaling takasan; ang marahas na mithiin at pagnanasa nito na palitan ang Diyos at kumilos bilang ang Diyos ay napabagsak at nahadlangan; at ang layunin nitong kontrolin ang buong sangkatauhan ay nauwi sa wala at hindi na kailanman makakamit.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang matinding pagpapahirap at pang-uusig ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdulot ng alingasngas sa pandaigdigang komunidad. Hindi maunawaan ng maraming tao kung bakit hindi magkamayaw ang CCP sa pagtuligsa at pagkontra nito sa Diyos. Ito ay dahil isang ateistang partido sa pulitika ang CCP—isang satanikong rehimen na walang-kapantay pagdating sa pagkapoot nito sa katotohanan at sa Diyos. Sa pagkakita ng paglabas at gawain ng tunay na Diyos, paano nga ba hindi matatakot ang CCP, paano nga ba ito hindi tutugon nang may paglaban at pagkondena? Sa mga huling araw, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan, karamihan sa mga ito ay tinipon sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Niyanig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng relihiyon at lahat ng denominasyon. Nakita ng marami sa mga naniniwala sa Panginoon na ang mga salitang inihayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, kinilala nila na ito ang tinig ng Diyos, na ito ang gawain ng Diyos, at nagbalik-loob silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Parami nang parami ang bilang ng mga tao na nangangaral at nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Paano matitiis ang pag-iral ng Diyos, o pahihintulutang maipangaral at mapatotohanan ang katotohanan sa mundo, ng malademonyong rehimen ng CCP, na may panatikong pagkamuhi sa Diyos at sa katotohanan? Dahil dito, naglunsad ang CCP ng sunud-sunod na mga kampanya ng matinding pagpapahirap at pang-uusig sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inaresto nito ang di-mabilang na mga tao dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, at kinumpiska ang maraming sipi ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Araw-araw, pinag-aaralan nang husto ng CCP ang teksto nito, na may lumalawak na pagkaunawa kung gaano kamakapangyarihan ang aklat na ito, na ang mga salita nito ay ang katotohanan, at kaya nitong lupigin ang lahat ng tao. Kaya gaano man siraan, husgahan, at pasamain ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, hindi ito nangangahas na isapubliko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ni hindi man lang nito binabanggit kung ano ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Bakit gayon na lamang katikom ang bibig ng CCP tungkol sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Bakit natatakot ito na mabasa ng mga tao ang aklat na ito? Dahil mga pagbigkas ng Diyos ang nasa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ito ang pagpapahayag ng katotohanan, at ang pagpapakita ng tunay na liwanag sa Silangan! Takot na takot ang CCP na mamamalas ng buong mundo ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, na makikita ng buong mundo na nagpakita na ang Diyos at nag-umpisa nang gumawa sa Silangan, na ang Tagapagligtas ng tao ay nagpakita sa Silangan, at na ang pag-asa ng tao ay nasa Silangan. Ang CCP ang pinakamasama at ang pinakanamumuhi sa katotohanan na satanikong rehimen. Walang sinuman ang mas takot na takot sa pagdating ng katotohanan sa mga tao. Walang sinuman ang mas natatakot na tatanggapin ng tao ang katotohanan, at maghahari ang Diyos bilang Hari sa mga tao, at lilitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa, at dahil dito ay mabibigo ang kasumpa-sumpang layunin nito na makontrol ang sangkatauhan at pagharian ang mundo. Iyon ang dahilan kung bakit mapusok na sinusubukang arestuhin at patayin ng CCP si Cristo. Ginagamit nito ang media at Internet upang magpalaganap ng propaganda at walang-awang idinidiin, inaakusahan ng mga bagay na hindi totoo, at sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umaabot pa ito sa punto na walang pag-aatubili nitong pinakikilos ang mga armadong pulis, sinusubukan ang lahat ng paraan para pahirapan, arestuhin, at usigin ang mga taong hinirang ng Diyos. Dahil wala nang lugar na mapagtataguan dahil sa ginagawang pag-uusig ng CCP, napilitang mangibang-bansa ang mga hinirang ng Diyos—subalit pinalawak pa rin ng CCP ang naaabot ng masasamang kamay nito sa ibang bansa, gamit ang pulitika, ekonomiya, at diplomatikong paraan upang gipitin ang ilang bansa habang pinagtatangkaan nitong puwersahin ang mga Kristiyanong lumabas sa teritoryo nito at bumalik sa China upang harapin ang kalupitan at pang-uusig. Ang lalo pang kasumpa-sumpa ay inaaresto at inuusig din ng CCP ang mga kapamilya ng mga Kristiyanong ito upang gamitin sila bilang bihag upang takutin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at pinupuwersa silang kumuha ng mga pasaporte at pumunta sa ibang bansa upang gipitin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa iba’t ibang mga bansa. Pinagtatangkaan nitong gamitin ang mga diplomatikong pamamaraan upang idiin at maling akusahan ang mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga huwad na taong naghahangad ng proteksyon, at dahil dito ay nagkakalat ito ng kasinungalingan at gumagawa ng mga usap-usapan na nagpapabaliktad sa opinyon ng publiko laban sa Iglesia, sumisira sa reputasyon nito, humihimok sa mga gobyerno at mga tao sa ibang bansa na labanan at tanggihan ang Iglesia at pauwiin ang mga Kristiyano, sa gayong paraan ay nakakamit ang masamang layunin ng CCP na hadlangan, pigilan, at lipulin ang gawain ng Iglesia na maipalaganap ang ebanghelyo sa ibang bansa. Pinatutunayan ng mga totoong pangyayari na ang CCP ay binubuo ni Satanas at ng mga demonyong nasusuklam sa katotohanan at napopoot sa Diyos—sila ay mga diyablong nagpapahirap sa mga tao at lumalamon sa kanilang mga kaluluwa. Ang pagiging napakabrutal ng CCP sa pagpapahirap, pang-uusig, at pag-atake nito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na sanhi ng malademonyo nitong diwa na namumuhi sa katotohanan at napopoot kay Cristo.
Mga Talababa:
1. Ang “lunukin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga diyablo, na sinasaklot nang buo ang mga tao.
2. Ang “magkakasabuwat sa krimen” ay kapareho ng uri ng “isang grupo ng mga butangero.”
3. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.
4. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.