1. Bago dumating ang Panginoong Jesus, ang mga Fariseo ay madalas na magpaliwanag ng mga Banal na Kasulatan sa mga sinagoga at manalangin sa harap ng mga tao. Mukha silang napakamaka-Diyos, at, sa mata ng mga tao, tila hindi sila gumawa ng anumang lumalabag sa Banal na Kasulatan. Kaya bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Sa anong mga paraan nila sinuway ang Diyos, bakit nila napukaw ang poot ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Bakit naman kayo’y nagsisilabag din sa utos ng Diyos dahil sa inyong tradisyon? Sapagka’t sinabi ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.’ Datapuwa’t sinasabi ninyo, ‘Sinumang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ito’y isang regalo, sa anumang maari mong pakinabangan galing sa akin:’ At hindi niya igagalang ang kaniyang ama o kaniyang ina, siya’y magiging malaya. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon. Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, ‘Ang bayang ito’y iginagalang Ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa Akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa Akin, Na nagtuturo ng mga doktrina ang mga utos ng mga tao’” (Mateo 15:3–9).

“Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing balo, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili.

“Sa aba ninyo, kayong mga taga-akay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninuman ang templo, ay walang anuman; datapuwa’t kung ipanumpa ninuman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya! Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka’t alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? At, kung ipanumpa ninuman ang dambana, ay walang anuman; datapuwa’t kung ipanumpa ninuman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga mangmang at bulag: sapagka’t alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? Kaya’t ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa-ibabaw nito. At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Diyos, at yaong nakaluklok doon.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga taga-akay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa’t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangag-aanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang sana’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawala kayo sa kahatulan sa impiyerno? Kaya’t, narito, sinusugo Ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong pag-uusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat ng matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:13–36).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng pagkontra ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila pinagsisikapan ang buhay katotohanan. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapitlamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mayabang, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

Naging tiwali ang tao at namumuhay sa bitag ni Satanas. Nabubuhay sa laman ang lahat ng mga tao, nabubuhay sa mga makasariling pagnanasa, at walang ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong yaong mga nagsasabing kaayon sila sa Akin, ngunit ang ganitong mga tao ay sumasamba lahat sa mga malalabong diyos-diyosan. Bagamat kinikilala nilang banal ang pangalan Ko, tumatahak sila sa landas na taliwas sa Akin, at puno ang mga salita nila ng pagmamataas at kumpiyansa sa sarili. Ito ay dahil, sa ugat, laban silang lahat sa Akin at hindi kaayon sa Akin. Araw-araw, naghahanap sila ng mga bakas Ko sa Biblia at nakahahanap nang walang pili ng “angkop” na mga siping kanilang walang katapusang binabasa at binibigkas bilang mga banal na kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin ni ang kahulugan ng maging laban sa Akin. Nagbabasa lamang sila ng mga banal na kasulatan nang walang taros. Sa loob ng Biblia, ipinipilit nila ang isang malabong Diyos na hindi pa nila kailanman nakikita, at walang kakayahang makita, at inilalabas upang tingnan sa kanilang pagliliwaliw. Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala Ako wala ang Biblia, at kung wala ang Biblia wala Ako. Hindi sila nagbibigay ng pansin sa pag-iral o mga kilos Ko, ngunit sa halip ay nag-uukol ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Marami pa ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan ng Banal na Kasulatan. Nagbibigay sila ng sobrang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa ginagamit nila ang mga bersikulo mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging-magkaayon sa Akin o ang daan ng pagiging-magkaayon sa katotohanan, ngunit ang daan ng pagiging-magkaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala silang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagbubukod, hindi Ko gawain. Hindi ba ang ganitong mga tao ay ang masusunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad ang pagiging-magkaayon sa Jesus ng panahong iyon, ngunit masusing sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at pagiging hindi ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang Jesus. Ano ang pinakadiwa nila? Hindi ba’t hindi nila hinangad ang daan sa pagiging-magkaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi nagbibigay pansin sa kalooban Ko o sa mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa pinakadiwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, upang mapanatili ang dangal ng Biblia, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Biblia, humantong sila sa pagpako nila sa krus sa mahabaging Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Biblia, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang kondenahin si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan, sa kamatayan. Hindi ba sila mga manghihibo sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo

Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

Marcos 3:21–22 At nang mabalitaan yaon ng Kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang Siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, sira ang Kaniyang bait. At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, nasa Kaniya si Beelzebub, at, sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo ay nagpapalabas Siya ng mga demonyo.

Ang Pagsaway ni Jesus sa mga Fariseo

Mateo 12:31–32 Kaya’t sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinumang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanlibutang ito, o maging sa darating.

…………

Sa Biblia, ang pagsusuri ng mga Fariseo kay Jesus Mismo at sa mga bagay na Kanyang ginawa ay: “Kanilang sinabi, sira ang Kaniyang bait. … Nasa Kaniya si Beelzebub, at, sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo ay nagpapalabas Siya ng mga demonyo” (Marcos 3:21–22). Ang paghatol ng mga eskriba at mga Fariseo sa Panginoong Jesus ay hindi panggagaya nila sa mga salita ng ibang tao, at hindi rin walang basehang pala-palagay—ito ang konklusyon na binuo nila hinggil sa Panginoong Jesus mula sa kanilang nakita at narinig tungkol sa Kanyang mga pagkilos. Bagaman ang kanilang konklusyon sa wari ay ginawa sa ngalan ng katarungan at lumilitaw sa mga tao na parang may matibay na batayan, ang pagmamataas kung saan hinatulan nila ang Panginoong Jesus ay mahirap maging para sa kanila na mapigilan. Ang nagngangalit na enerhiya ng kanilang pagkamuhi sa Panginoong Jesus ang nagbunyag sa kanilang sariling lisyang mga ambisyon at sa kanilang masasamang satanikong mga mukha, gayundin sa kanilang masamang kalikasan na sa pamamagitan nito ay lumaban sila sa Diyos. Ang mga bagay na ito na kanilang sinabi sa kanilang paghatol sa Panginoong Jesus ay udyok ng kanilang lisyang mga ambisyon, pagkainggit, at ng pangit at masamang kalikasan ng kanilang pagkapoot sa Diyos at sa katotohanan. Hindi nila siniyasat ang pinagmulan ng mga pagkilos ng Panginoong Jesus, ni siniyasat man nila ang diwa ng sinabi o ginawa Niya. Sa halip, nang basta-basta, sa isang kalagayan ng hibang na kaligaligan, at nang may sadyang masamang hangarin, binatikos at siniraan nila ang nagawa Niya. Hanggang sa punto na sadya nilang siniraan ang Kanyang Espiritu, iyon ay, ang Banal na Espiritu na Siyang Espiritu ng Diyos. Ito ang ibig nilang sabihin nang kanilang sinabing, “Sira ang Kaniyang bait,” “si Beelzebub,” at “prinsipe ng mga demonyo.” Ibig sabihin, sinabi nila na ang Espiritu ng Diyos ay si Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo. Inilarawan nila bilang isang kabaliwan ang gawain ng Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, na binihisan ang Kanyang sarili ng katawang-tao. Hindi lang nila nilapastangan ang Espiritu ng Diyos bilang si Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo, bagkus ay hinatulan din nila ang gawain ng Diyos at hinatulan at nilapastangan ang Panginoong Jesucristo. Ang diwa ng kanilang paglaban at paglapastangan sa Diyos ay lubos na katulad ng diwa ng paglaban at paglapastangan sa Diyos na ginawa ni Satanas at ng mga demonyo. Hindi lang nila kinatawan ang mga taong tiwali, subali’t lalong higit na sila ang pinakalarawan ni Satanas. Sila ay daluyan para kay Satanas sa gitna ng sangkatauhan, at sila ang mga kasabwat at mga utusan ni Satanas. Ang diwa ng kanilang paglapastangan at ng kanilang paninirang-puri sa Panginoong Jesucristo ay ang kanilang pakikipaglaban sa Diyos para sa katayuan, ang kanilang pakikipagpaligsahan sa Diyos, at ang kanilang walang katapusang pagsubok sa Diyos. Ang diwa ng kanilang paglaban sa Diyos at ng kanilang saloobin ng pagkapoot sa Kanya, gayundin ang kanilang mga salita at ang kanilang mga kaisipan, ay tahasang nilapastangan at ginalit ang Espiritu ng Diyos. Kaya, tinukoy ng Diyos ang isang makatwirang paghatol batay sa sinabi at ginawa nila, at tinukoy ng Diyos ang kanilang mga gawa na kasalanan ng paglapastangan laban sa Banal na Espiritu. Ang pagkakasalang ito ay walang kapatawaran kapwa sa mundong ito at sa mundong darating, gaya ng pinatototohanan sa sumusunod na sipi ng kasulatan: “Ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” at, “sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanlibutang ito, o maging sa darating.”

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sa Israel, ang “Fariseo” ay parang titulo noon. Bakit ngayon ay isa na itong bansag? Ito ay dahil ang mga Fariseo ay naging kinatawan ng isang klase ng tao. Ano ang mga katangian ng ganitong klase ng tao? Umaawit sila ng mga sawikain, sanay sila sa pagpapanggap, sa paggayak, sa pagtatago ng kanilang tunay na mga sarili, at nagkukunwa sila ng dakilang kamaharlikahan, dakilang kabanalan at katuwiran, dakilang pagkapatas at karangalan. Bunga nito, hindi nila isinasagawa ang katotohanan nang kahit kaunti. Paano sila kumikilos? Nagbabasa sila ng mga kasulatan, nangangaral sila, nagtuturo sila sa kapwa na gumawa ng mabuti, hindi gumawa ng masama, hindi labanan ang Diyos, at kumikilos nang mabuti sa harap ng iba, subalit, kapag nakatalikod ang iba, nagnanakaw sila ng mga alay. Sinabi ng Panginoong Jesus na sila ay “nagsasala ng lamok, at lumulunok ng kamelyo.” Nangangahulugan itong ang lahat ng ikinikilos nila ay tila mabuti sa panlabas—mapagpanggap silang umaawit ng mga sawikain, nagsasalita sila ng tungkol sa mga palalong teorya, at ang kanilang mga salita ay masarap pakinggan, subalit ang mga gawa nila ay magulong karumihan at ganap na laban sa Diyos. Ang mga ikinikilos at panlabas na kaanyuan nila ay pagkukunwaring lahat, panlolokong lahat; sa kanilang mga puso, wala sila kahit kaunting pagmamahal sa katotohanan o sa mga positibong bagay. Kinamumuhian nila ang katotohanan, kinamumuhian nila ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at kinamumuhian nila ang mga positibong bagay. Ano ang iniibig nila? Iniibig ba nila ang pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran? (Hindi.) Paano mo masasabing hindi nila iniibig ang mga bagay na ito? (Ipinakalat ng Panginoong Jesus ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, na hindi lamang nila tinanggihang tanggapin, kundi kinondena rin.) Kung wala ang kanilang pagkondena, masasabi mo ba? Bago dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa ng gawain, ano kaya ang makapagsasabi sa iyong hindi nila inibig ang pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran? Hindi mo malalaman, hindi ba? Ang lahat ng asal nila ay pagkukunwari, at ginagamit nila ang pagkukunwaring ito ng mabuting asal upang dayain ang kapwa sa kanilang pagtitiwala. Hindi ba ito pagpapaimbabaw at panlilinlang? Kaya ba ng mga ganitong manlilinlang na mahalin ang katotohanan? Ano ang natatagong layunin ng mabuting asal nilang ito? Isang bahagi ng kanilang layunin ay ang dayain ang kapwa; ang isa pang bahagi ay ang linlangin ang kapwa, upang mahalina ang mga ito sa kanila at sambahin sila, at sa huli, upang makatanggap ng mga gantimpala. Gaano katuso dapat ang mga pamamaraan nila upang magtagumpay sa ganoong kalaking panggagantso? Ang mga ganoong tao ba ay umiibig sa pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran, kung gayon? Siyempre hindi. Gustung-gusto nila ang katayuan, gustung-gusto nila ang katanyagan at mabuting kapalaran, at hiling nilang makatanggap ng mga gantimpala. Hindi nila talaga isinasagawa ang mga salita ng pangaral ng Diyos para sa mga tao. Hindi nila isinasabuhay ni ang katiting ng mga ito; gumagamit lang sila ng paggayak at pagbabalatkayo upang lansihin ang mga tao at mahalina ang mga ito, upang mapanatili ang kanilang sariling katayuan at reputasyon. Sa sandaling masiguro na nila ang mga bagay na ito, ginagamit nila ang mga ito upang makakuha ng puhunan at mapagkakakitaan. Hindi ba ito kasuklam-suklam? Makikita sa lahat ng kanilang mga asal na ito na diwa nila ang hindi mahalin ang katotohanan, sapagkat hindi nila kailanman isinagawa ang katotohanan. Ano ang tanda na hindi nila isinasagawa ang katotohanan? Ito ang pinakamalaking tanda: Dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa ng gawain at lahat ng sinabi Niya ay tama, lahat ng sinabi Niya ay katotohanan. Paano nila iyon itinuring? (Hindi nila iyon tinanggap.) Hindi ba nila tinanggap ang mga salita ng Panginoong Jesus dahil naniwala silang mali ang mga iyon, o hindi ba nila tinanggap ang mga iyon bagamat batid nilang tama ang mga iyon? (Hindi nila tinanggap ang mga iyon bagamat alam nilang tama iyon.) At ano ang nakapagdulot nito? Hindi nila iniibig ang katotohanan at kinapopootan nila ang mga positibong bagay. Ang lahat ng sinabi ng Panginoong Jesus ay tama, walang anumang mali, at kahit na wala silang mahanap na anumang kamalian sa mga salita ng Panginoong Jesus na magagamit laban sa Kanya, kinondena nila Siya, at pagkatapos ay nagsabwatan sila: “Ipapako Siya sa krus. Siya ang ipapako o kami.” Sa ganitong pamamaraan, kinalaban nila ang Panginoong Jesus. Bagamat hindi sila naniwalang ang Panginoong Jesus ang Panginoon, mabuting tao Siya na hindi sumuway sa legal na batas man o sa mga batas ni Jehova;[a] bakit nila kinokondena ang Panginoong Jesus? Bakit nila pinakitunguhan nang ganoon ang Panginoong Jesus? Makikita kung gaano kasama at kamalisyoso ang mga taong ito—abot sa kasukdulan ang kasamaan nila! Ang masamang mukha na inilantad ng mga Fariseo ay walang pinagkaiba sa kanilang pagbabalatkayo ng kabaitan. Maraming hindi makakakilala kung ano ang kanilang tunay na mukha at alin ang huwad, subalit ang anyo at gawain ng Panginoong Jesus ang nagbunyag ng lahat ng ito. Kung gaano kahusay ang pagkukubli ng mga sarili ng mga Fariseo, kung gaano sila kabait tingnan sa panlabas—kung hindi nabunyag ang mga katotohanan, walang makakakita sa kanila sa kung ano sila.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ano ang pangunahing pagpapakita ng pagpapaimbabaw ng mga Fariseo? Masusing binasa lamang nila ang Banal na Kasulatan at hindi hinanap ang katotohanan. Nang mabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi sila nagdasal o naghanap; sa halip, pinag-aralan nila ang mga salita ng Diyos, pinag-aralan nila ang mga sinabi at ginawa ng Diyos, kaya’t ginawa nilang isang uri ng teorya ang Kanyang mga salita, isang doktrina na itinuturo nila sa iba. Ganito ang masusing pagbasa sa mga salita ng Diyos. Kaya’t bakit nila ginawa iyan? Ano ang kanilang masusingbinasa? Sa tingin nila, hindi salita ng Diyos ang mga ito, hindi sila mga pagpapahayag ng Diyos, at lalong hindi katotohanan ang mga ito, bagkus ay isang anyo ng karunungan. Sa tingin nila, ang ganoong karunungan ay dapat maipasa, dapat maipalaganap, at ito lamang ang pagpapalaganap sa gawi ng Diyos at ng ebanghelyo. Ito ang tinatawag nilang “pangangaral,” at ang sermon na kanilang ipinangaral ay teolohiya.

… Itinuring ng mga Fariseo ang teolohiya at ang teoryang kanilang dinalubhasa bilang isang uri ng karunungan, bilang isang kasangkapan sa pagkondena sa mga tao at pagsukat kung sila ay tama o mali. Ginamit pa nga nila ito sa Panginoong Jesus—ganyan kung paano nakondena ang Panginoong Jesus. Ang kanilang pagtatasa sa mga tao, at ang kanilang paraan sa pagtrato sa mga ito, ay hindi nakabatay sa kanilang diwa, o kung ang kanilang sinabi ay tama o mali, lalong hindi sa pinagkunan o pinagmulan ng kanilang mga salita. Kinundina at sinukat lamang nila ang mga tao batay sa mga matitigas na salita at doktrinang kanilang nadalubhasa. Kaya’t bagama’t batid ng mga Fariseong ito na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi kasalanan, at hindi paglabag sa batas, Siya ay kanila pa ring kinundina, sapagkat ang sinabi ng Panginoong Jesus ay lumalabas na salungat sa kaalaman at karunungan na kanilang nadalubhasa at sa teorya ng teolohiya na kanilang naipaliwanag. At hindi basta niluluwagan ng mga Pariseo ang kanilang kapit sa mga salita at pariralang ito, nangunyapit sila sa karunungang ito at hindi ito pawawalan. Ano lamang ang tanging posibleng kalalabasan sa huli? Hindi nila kikilalanin na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, o na may katotohanan sa sinabi ng Panginoong Jesus, lalo pang hindi na ang sinabi ng Panginoong Jesus ay pagsang-ayon sa katotohanan. Nakakita sila ng ilang di-mapatunayang paratang upang kondenahin ang Panginoong Jesus—ngunit ang totoo, sa kanilang mga kalooban, alam ba nila kung makatwiran ang mga tinukoy nilang kasalanan sa pagsumpa sa Kanya? Alam nila. Kung gayon, bakit pa rin nila Siya kinundina? (Ayaw nilang paniwalaan na ang mataas at makapangyarihang Diyos na nasa kanilang isipan ay maaaring ang Panginoong Jesus, ang imaheng ito ng isang pangkaraniwang Anak ng tao.) Ayaw nilang tanggapin ang katunayang ito. At ano ang katuturan ng kanilang pagtangging tanggapin ito? Hindi ba’t mayroon ditong pagsisikap na makapangatwiran sa Diyos? Ang ibig nilang sabihin ay “Magagawa ba iyan ng Diyos? Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao, tiyak na Siya ay dapat sumilang mula sa marangal na lahi. Higit pa, dapat Niyang tanggapin ang pagtuturo ng mga eskriba at Fariseo, matutuhan ang karunungang ito, at magbasa nang magbasa ng Banal na Kasulatan. Pagkaraan maangkin Niya ang karunungang ito, saka lamang Niya makukuha ang titulo ng ‘pagkakatawang-tao’.” Naniwala sila na, una, Ikaw ay hindi kuwalipikado, kaya’t Ikaw ay hindi Diyos; pangalawa, kung wala ang karunungang ito, hindi Mo magagawa ang gawain ng Diyos, at lalong hindi Ka magiging Diyos; pangatlo, hindi Ka makagagawa sa labas ng templo—wala Ka sa templo ngayon, palagi Kang kasama ng mga makasalanan, kaya’t ang mga gawain Mo ay lampas sa saklaw ng gawain ng Diyos. Saan nagmula ang batayan ng kanilang sumpa? Mula sa Banal na Kasulatan, mula sa isip ng tao, at mula sa natanggap nilang edukasyon sa teolohiya. Sapagkat punung-puno sila sa mga kuru-kuro, guniguni, at karunungan, naniwala sila na tama ang karunungang ito, na ito ang katotohanan, na ito ang batayan, at hindi kailanman masasalungat ng Diyos ang mga bagay na ito. Hinanap ba nila ang katotohanan? Hindi. Ang kanilang hinanap ay ang kanilang mga palagay at haka, at ang kanilang mga sariling karanasan, at sinubok nilang gamitin ang mga ito upang bigyang katuturan ang Diyos at matukoy kung Siya ba ay tama o mali. Ano ang panghuling kinahantungan nito? Kinundina nila ang gawain ng Diyos at ipinako Siya sa krus.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Masasama, Traydor, at Mapanlinlang (Ikatlong Bahagi)

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “ni Jehova.”

Sinundan: 2. Tulad ng pagkaunawa natin dito, maraming prestihiyosong internasyonal na mga dalubhasa sa relihiyon at akademiko ang kumilala na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang umuusbong na Kristiyanong iglesia. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ng tradisyunal na Kristiyanismo?

Sumunod: 2. Ang mga pastor at elder sa relihiyosong mundo ay mahuhusay lahat sa Biblia at madalas na nagpapaliwanag nito sa iba, habang hinihiling sa mga tao na sumunod sa Biblia. Sa paggawa nito, hindi ba sila nagtataas at nagpapatotoo sa Panginoon? Paano mo nasasabi na nanlilinlang sila ng mga tao, na sila ay mapagpaimbabaw na mga Fariseo?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito