Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga salitang nakikita at naririnig ng tao. Ito ang katotohanan. Mula sa mga patotoong itinala ng Biblia makikita nating kayang magsalita ng Kanyang Espiritu sa pamamagitan ng kulog, at kayang magpakita at magsalita sa tao sa pamamagitan ng naglilingas na apoy, at kayang magkatawang-tao, para mapabilang at makipag-usap sa tao. Ito ang mga patotoong hindi maitatanggi ninuman. Ginabayan ng Diyos ang tao sa loob ng ilang libong taon, at gumawa ng tatlong yugto ng gawain sa Kapanauhan ng Kautusan, sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa bawat yugto ng gawain, maraming inihayag na salita ang Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus upang ipahayag ang katotohanan, at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, na sumisimbolo sa pagtubos sa mga tao. Sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos bilang Makapangyarihang Diyos, nagpahayag ng katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol ng mga huling araw, at pinamunuan ang tao patungo sa maluwalhating kinabukasan. Kasunod nito, natapos ang kapanahunan ng kasamaan at kadiliman. Dahil sa lahat ng salitang sinambit ng Diyos sa dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao, ay narinig, ng sangkatauhan ang tinig ng Diyos, at nakita ang pagpapakita at gawain ng Diyos, kaya isa-isa na silang bumaling sa Kanya. Mula noon ay, nakita ng tao ang kapangyarihan ng Diyos, at ang karunungang sa Kanyang mga salita, nalaman na nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakita na tinutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat. Ito ang pinakamalinaw na resulta ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi makakamit ang epektong ito kailanman sa pamamagitan ng gawain ng sangkatauhan, dahil wala sa mga tao ang katotohanan, at hindi pa nila maipahayag ang katotohanan para sakupin at iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, paano man gumawa o magsalita ang Diyos, gaano man kadakila ang Kanyang nagawa, o gaano man karami ang mga taong bumabaling sa Kanya, kailangan pa ring gawin ng mga makademonyo ang lahat para tuligsain ang Kanyang pagpapakita at gawain. Naghahanap din sila ng iba’t ibang dahilan para linlangin ang mga tao, kaya pinagdududahan at tinatanggihan nila ang Diyos Ginagawa ng CCP ang lahat para tanggihan at tuligsain si Cristo, at tinatawag na ordinaryong mga tao ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao at ang Makapangyarihang Diyos. Ganap itong pinagpapasiyahan ng malademonyong diwa ng CCP na galit sa katotohanan at kinakalaban ang Diyos. Ang CCP ay isang ateistang partido pulitikal na lakas-loob pang tinatanggihan ang Diyos sa langit. Paano pa nito makikilala ang Diyos na nagkatawang-tao?

Sinasabi ko sa ’yo na ang Diyos na nagkatawang-tao, ang praktikal na Diyos, ay lubos na nakikita sa kakayahan Niyang magpahayag ng katotohanan sa lahat ng oras at lugar; Magagawa Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Kahit mukha Siyang ordinaryong tao, ang totoo’y Siya ang katawang-tao na pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Lahat ng Kanyang salita at gawain ay pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos. Kaya Niyang tubusin at iligtas ang sangkatauhan. Kaya Niyang simulan ang mga bago at wakasan ang mga lumang kapanahunan, at sa huli ay dalhin ang mga tao sa kaharian ng Diyos. Walang duda na, ang ginagawa ni Cristo na nagkatawang-tao ay gawain ng Diyos Mismo; si Cristo ay walang iba kundi ang pagpapakita ng Diyos. Tulad ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, kahit ordinaryo at normal Siyang tao, sa panlabas na kaanyuan, itinuro Niya na “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). at tinupad ang gawain nang pagtubos sa lahat ng tao. Gumawa rin Siya ng maraming himala at hiwaga, halimbawa, pinakain Niya ng limang tinapay at dalawang isda ang limang libong tao. Sa isang salita lang, pinayapa Niya ang hangin at karagatan. Muli Niyang binuhay ang isang patay at iba pa. Ang katotohanan na nagsalita ang Panginoong Jesus at nagsagawa ng mga kababalaghan at himala ay hindi magagawa ng sinuman. Ganap na nilinaw nito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at sapat nang patunay ’yon na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao, at Manunubos ng sangkatauhan. Alam na alam ng mga pinunong Judio noon na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan, at hindi magagawa ng isang tao. Pero hinusgahan at tinuligsa nila ang Panginoong Jesus, na sinasabi na Siya ay tao lang, na kalapastanganan ang sinasabi Niya, at ginagamit Niya ang pinuno ng mga demonyo para palayasin ang mga demonyo. Dahil dito nalinlang nila ang mga tao, at tinanggihan ng mga tao ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. Malinaw na patunay ito ng kanilang kademonyohan na kalabanin ang Diyos at kamuhian ang katotohanan. Sa ngayon, karaniwang kinikilala ng mga relihiyoso na ang Panginoong Jesus ang Cristo, at ang Diyos na nagkatawang-tao. Mga demonyo lang ang kampon ni Satanas na tumatanggi at tumutuligsa sa Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa ng CCP ang lahat para tanggihan at tuligsain si Cristo, at tinatawag na ordinaryong tao ang Cristong nagkatawang-tao, binabansagang kulto ang mga iglesiang Kristiyano, at marahas na sinusugpo at pinagbabawalan sila. Di ba lubos na masama at reaksyonaryo ang CCP? Di ba mga demonyo sila na kumakalaban at tumatanggi sa Diyos?

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang si Cristo ay para sa layuning pagpapahayag ng katotohanan para makamit ang gawain ng pagliligtas. Hindi n’yo tinatanggap na katotohanan ang lahat ng mga salita ni Cristo, natural lang na itakwil n’yo si Cristo, at talagang kalabanin Siya. Tanging yung mga kumikilala lamang, tumatanggap, at nagpapaubaya kay Cristo ang pwedeng makatanggap ng katotohanan at makuha ang pagliligtas ng Diyos. Ipinahayag, ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan na nagdadalisay at nagliligtas sa mga tao. Iisa, ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus; sa panlabas, nagpakita Siya bilang ordinaryong tao, pero, Siya talaga ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Sa diwa Siya ang Diyos, at kayang magpahayag ng katotohanan, at gumawa ng gawain na siyang gagawin ng Diyos Mismo. Inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan ng katiwalian ng tao, ipinaliwanag din Niya nang napakalinaw kung paano itiniwali ni Satanas ang sangkatauhan, at detalyado n’yang ipinaliwanag ang mga kailangan ng Diyos sa tao, at ang katotohanang dapat silang magkaro’n. Itinuro rin, ng Makapangyarihang Diyos ang maliwanag na daan para sa mga tao, hinihiling N’yang maging, tapat ang mga tao, at mabuhay sa salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lang makakamit ang, biyaya ng Diyos at ang magandang kinabukasan. Pagkatapos naming tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, maranasan ang gawain Niya, at maliwanagan sa maraming katotohanan, talikuran ang maraming kabuktutan, at lumayo mula sa masamang asal, nakamit naming lahat ang iba’t ibang antas ng pagdadalisay at pagbabago. Kaya, nagkaro’n kaming lahat ng pundasyon para mabuhay; nagkaro’n kami ng tamang mithiin para sa buhay ng tao, at sa maluwalhating kinabukasan. Ito ang ganap na resultang nakamit, ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao. Sapat na itong katibayan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan na kayang padalisayin at iligtas ang sangkatauhan, na kayang magdikta sa tao na talikuran ang makademonyong disposisyon, at iwasan ang pagkaalipin sa impluwensya ni Satanas, at kayang dalhin ang mga tao sa magandang kinabukasan. Sabihin n’yo nga, sino pa bukod sa Diyos ang may kayang magpahayag ng mga katotohanang ito? Sino ang makalulutas sa pinag-ugatan ng mga kasalanan ng tao, at siguradong makapagliligtas sa tao mula sa mga tanikala ng kasalanan? At sinong makapagdadala sa tao, patungo sa magandang kinabukasan? Bukod sa Diyos Mismo, walang sino man ang may awtoridad o kapangyarihang ito. Bukod kay Cristong nagkatawang-tao, walang sino man ang may kakayahang magpahayag ng katotohanan. Ito ang katunayan. Sapat na ang mga katotohanan ng Makapangyarihang Diyos, para patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay walang iba kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Tagapagligtas na si Cristo ng mga huling araw.

Itinatakwil at kinokondena n’yo ang Diyos na nagkatawang-tao gaya nito, nabasa n’yo na ba ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Inimbestigahan n’yo na ba ang gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kung hindi n’yo pa naiimbesigahan, iminumungkahi ko na, huwag n’yong itakwil si Cristo sa ganitong paraan, lalo na, ang paghayag sa Kanya na may kasalanan. Kung hindi kayo tututol, gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang makabawi, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Malinaw na ipinaliliwanag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa ni Cristo. Kaming mga naniniwala sa Kanya ay nabasa na ang kadakilaan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Dito lang namin naintindihan ang katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at natanggap ang gawain sa mga huling ng Makapangyarihang Diyos. Kung walang pagkaunawa sa katotohanan, mas madaling magkaro’n ng opinyon tungkol sa gawain ng Diyos, lalo’t higit ang husgahan at kondenahin iyon. Kung kaya ng taong hanapin ang katotohanan at basahin ang mga salita Niya ng Makapangyarihang Diyos, siguradong wala silang sasabihin, para kalabanin o itakwil ang Diyos. Umaasa kaming, wala na kayong sasabihing kahit na anong magtatakwil sa Diyos o sa Diyos na nagkatawang-tao, para hindi n’yo mainsulto ang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo

Sinundan: Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sumunod: Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito