8. Naniniwala kami na ang paghahanda ng langis ng matatalinong dalaga ay tumutukoy sa pagiging taimtim sa pagdarasal, sa pagbabasa ng mga Kasulatan, at sa pagdalo sa pagpupulong, masigasig na paggawa para sa Panginoon, at mapagbantay na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang matalinong dalaga, at kapag bumalik na ang Panginoon, dapat nating salubungin ang kasintahang lalake at dumalo sa piging ng Cordero.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at inayos ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbebenta, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga naghanda ay nagsipasok na kasama Niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25:6–10).

“Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

“At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon” (Pahayag 14:4).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Cordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng tunay na daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa mga naaayong kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging abala, at hindi kailanman tumitigil.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ipinapakita ng pagsalubong ng matatalinong dalaga sa Panginoon na ang kanilang karunungan ay pangunahing nasa pagkilala sa tinig ng Panginoon, na isang karunungan na hindi taglay ng mga hangal na dalaga. Isang simpleng bagay ba ang pagkilala sa tinig ng Panginoon? Kung umaapaw sa mga kuru-kuro at imahinasyon ang mga tao, magagapos at mapipigilan sila kapag narinig nila ang tinig ng Panginoon, at malamang na pagdududahan nila ang tinig ng Panginoon. Kapag naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Panginoon, nagagawa nilang isantabi ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon; wala silang pagdududa na ito ang Panginoong nagsasalita, at sa gayong paraan ay nasasalubong nila ang Panginoon. Kaya nauunawaan ng mga nakakakilala sa tinig ng Panginoon ang mga espirituwal na bagay: Malinaw sa kanila ang pinagmulan ng tinig na ito, at kaya nilang makita na ito ang Espiritu ng Diyos na nagsasalita. Sapat na iyon, at ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon ay hindi na nagiging isang malaking problema. Samantala, itinuturing ng mga hangal na dalaga ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon bilang batayan ng kanilang mga desisyon, at itinuturing nila ang mga ito bilang ang katotohanan. Kahit na naririnig nila ang tinig ng Panginoon, itinatatwa nila ito, tinatanggihan ito, at kaya napapalampas nila ang pagkakataong masalubong ang Panginoon. Dito nabibigo ang mga hangal na dalaga. Kaya ano ang tinutukoy ng paghahanda ng matatalinong dalaga ng langis? Ito ay pangunahing tumutukoy sa masigasig na pakikinig sa tinig ng Panginoon, hindi napipigilan ng mga kuru-kuro at imahinasyon, at pagsalubong at pagtanggap sa Panginoon nang walang anumang pagdududa matapos matiyak na ito ang tinig ng Panginoon—ito ang pinakamahalaga. Sa pagsalubong sa Panginoon, maraming tao ang napipigilan ng mga kuru-kurong panrelihiyon. Para bang sila ay nakapagtatag na at nakasiguro ng isang modelo para sa pagbabalik ng Panginoon, at hindi nila isinasaalang-alang ang anumang bagay na salungat sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Napakahangal ng ganoong mga tao! Marami na ang nagsiyasat sa tunay na daan, ang nakabasa na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakakilala na ang mga ito ang katotohanan, ngunit hindi tinatanggap na ang taong ito ang pagkakatawang-tao. Umaasta sila na eksaktong katulad ng pag-asta ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus—sila ang mga pinakahangal na tao sa lahat. Ang mga kumikilala na ang mga salitang ito ang katotohanan matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na nakatitiyak na ang mga ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at na tumatanggap na ang Makapangyarihang Diyos ang Tagapagligtas, ay ang pinakamatatalino sa lahat. Bakit sila natawag na matalino? Una, nagagawa nilang makilala ang lahat ng mga salita ng Diyos bilang katotohanan at tinig ng Diyos. Pangalawa, matapos mapagpasyahan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, nagagawa nilang matukoy ang mga sinasabi ni Satanas bilang mga sabi-sabi at masasamang salita na kumokondena at sumasalungat sa Diyos, at itinatatwa, sa kabuuan, ang lahat ng salita na nagmumula kay Satanas, at nagtitiwala na ang Diyos lamang ang katotohanan. Ang mga ito ang pinakamatatalinong bagay tungkol sa matatalinong dalaga. Matapos nilang salubungin ang Panginoon, wala sa mga kasinungalingan at gawa-gawa ni Satanas ang maaaring luminlang sa kanila; nagtitiwala lamang sila sa Diyos, at kusang isinasantabi ang lahat para sumunod sa Diyos, sa gayong paraan ay ganap na tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: Sinalubong ng matatalinong dalaga ang Panginoon, ibig sabihin, sila ay naitaas sa harap ng trono ng Diyos.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan: 7. Nasusulat ito sa Biblia, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16). Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, ngunit hindi namin narinig ang sigaw, o ang tinig ng arkanghel, o ang pakakak ng Diyos, ni hindi namin nakita ang mga namatay na banal na muling nabuhay. Kaya paano mapatutunayan na ang Panginoon ay bumalik na?

Sumunod: 1. Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, at Siya ay naging tao upang gampanan ang Kanyang gawain. Paano ito posible? Sinasabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus, Siya ay nagbangon mula sa mga patay at nagpakita sa Kanyang mga disipulo. Siya ay naging isang maluwalhating espirituwal na katawan at umakyat sa langit. Kapag nagbalik ang Panginoon, dapat Siyang magpakita sa atin bilang isang espirituwal na katawan na nagbangon mula sa mga patay. Bakit mo sinasabi na kailangang magkatawang-tao ng Diyos at magpakita at gumawa bilang Anak ng tao sa mga huling araw?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger