231 Kung Walang Paghahanap sa Katotohanan, Tiyak ang Kabiguan

1 Bagama’t dumalo ako sa mga pagtitipon at nagbasa ng mga salita ng Diyos, hindi ko binigyang-pansin ang pagsasagawa sa katotohanan. Nang nagagampanan ko ang ilan sa aking mga tungkulin, inisip ko na taglay ko ang realidad ng katotohanan. Nanalangin ako sa Diyos ngunit wala talaga akong tunay na pakikipagniig sa Kanya. Sa pagkamit ko ng ilang mga resulta sa aking mga tungkulin, inakala ko na nakakuha ako ng ilang merito. Siyang-siya ako sa sarili ko at inakalang tiyak na gagantimpalaan ako ng Diyos. Nang naranasan ko ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ganap akong nagising. Maraming taon akong naniwala sa Diyos nang hindi man lamang Siya nakikilala, at nakipagtawaran pa rin ako sa Kanya. Sa wakas, nakita ko na kung hindi hahanapin ang katotohanan, walang paraan para malinis ang aking katiwalian.

2 Ipinapahayag ng Diyos ang lahat ng katotohanan alang-alang sa paglilinis at pagliligtas sa tao, ngunit hindi ko man lamang naunawaan ang Kanyang mabuting layunin. Ginamit ko ang pagkakataong gawin ang aking tungkulin upang hanapin ang katayuan at reputasyon. Sa gawain o sa mga pangangaral, madalas akong hungkag na nagmamayabang at nagpapakitang-gilas. Itinuring ko ring pagkakaroon ng realidad ng katotohanan ang kakayahang mangaral ng mga espirituwal na teorya. Nagtiwala lamang ako sa aking masigasig na paggawa ngunit hindi isinagawa ang katotohanan—gumawa ako ng mga bagay ayon sa aking sariling kaparaanan. Mapagpaimbabaw ako katulad ng mga Fariseo, ngunit inakala kong espirituwal ako. Kung wala ang paghatol ng Diyos, hindi ko alam kung gaano kalalim pa ako lulubog.

3 Pagkatapos ng paulit-ulit na paghatol ng Diyos at mga pagsubok, naunawaan ko na sa wakas na ang masigasig na paggawa ngunit hindi hinahanap ang katotohanan ay walang katuturan. Napuno ako ng panlilinlang sa aking pananalita at gawa at hindi ako tapat na tao. Gaano man kabuting pag-uugali ang nagawa ko, hindi ito katulad ng pagbabago sa aking disposisyon. Kung walang paggalang at pagsunod sa Diyos, kakalabanin ko pa rin Siya. Banal ang kaharian ng Diyos—paano nito hahayaan ang mga tiwaling tao na makapasok? Hindi matatakpan ng pagpapaimbabaw ang katotohanan ng pakikipaglaban sa Diyos. Kung wala ang realidad ng katotohanan, hindi ako karapat-dapat mamuhay sa presensiya ng Diyos. Pinatatag ko ang aking pasya na hanapin ang katotohanan at ang buhay upang mapalugod ang kalooban ng Diyos.

Sinundan: 230 Ang Lahat ay Walang Kabuluhan Nang Malayo sa mga Salita ng Diyos

Sumunod: 232 Matagal Nang Naghintay ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito