850 Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos
Sa tagpong, “Iginawa ng Diyos na si Jehova
si Adan at ang kanyang asawa
ng mga kasuotang balat at sila’y dinamitan,”
nakikita natin na
ang Diyos ay tumatayong magulang ni Adan at Eba.
I
Nilikha ng Diyos si Adan at Eba
at tinuring silang kasama Niya.
Bilang kanilang tanging pamilya,
pinangalagaan ng Diyos ang buhay nila
at tinustusan ang kanilang pagkain,
kasuotan at tirahan.
Dito, ang Diyos ay tumatayong magulang
ni Adan at Eba.
Habang ginagawa ito ng Diyos,
‘di nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos;
hindi niya nakikita ang pangingibabaw ng Diyos,
Kanyang misteryo,
at lalong ‘di ang Kanyang poot o pagkamaharlika.
Ang nakikita lang niya’y
pagpapakumbaba ng Diyos, Kanyang pagsuyo,
Kanyang malasakit sa tao’t
Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya.
II
Ang saloobin at paraan ng pakikitungo ng Diyos
kina Adan at Eba’y
tulad ng pagmamalasakit ng mga magulang
para sa kanilang mga anak.
Tulad din ng pagmamahal
at pangangalaga ng mga magulang
para sa sariling mga anak na lalaki at babae—
totoo, nakikita at nadarama.
Sa halip na ilagay ang Kanyang sarili
sa mataas at makapangyarihang posisyon,
personal na ginamit ng Diyos ang mga balat
upang gumawa ng damit para sa tao.
Marahil tila wala ‘tong halaga
o para sa iba ‘di na ‘to dapat banggitin pa—
ngunit tinutulutan nito’ng
sinumang tagasunod ng Diyos,
na may malabong pagkaunawa tungkol sa Diyos
na sila’y makakita
sa Kanyang pagiging totoo’t kaibig-ibig,
at makita ang Kanyang
katapatan at kababaang-loob;
ito’y nagpapahintulot sa kanila na makakita
sa Kanyang pagiging totoo’t kaibig-ibig,
at makita ang Kanyang
katapatan at kababaang-loob.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I