956 Ang Saloobin ng Diyos sa Tao

I

Ang Diyos ay matatag sa Kanyang mga kilos.

Ang mga layunin at prinsipyo ng Diyos,

ay laging malinaw at aninag ang mga ito.

Lahat sila’y dalisay at walang kapintasan,

na may ganap na walang daya

o pakana na nakahalo sa loob.

Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos

ay walang kadiliman, walang kasamaan.


II

Kapag ang masasamang gawa

ng mga tao’y nakakasakit sa Diyos,

dadalhin Niya ang Kanyang galit sa kanila,

maliban kung tunay silang nagsisisi sa harap Niya.

Kapag ang mga tao’y

patuloy na sumasalungat sa Diyos,

ang Kanyang poot ay hindi titigil

hanggang sa sila’y malipol.

Ito ang disposisyon ng Diyos.

Sa madaling salita, ang awa o poot ng Diyos

ay batay sa mga gawa ng tao

at ang kanyang saloobin sa Diyos.


III

Kung ang Diyos ay patuloy

na isinasailalim ang isang tao sa Kanyang poot,

ang puso ng taong ito’y walang alinlangang

sumasalungat sa Diyos,

dahil hindi siya kailanman tunay na nagsisi,

yumukod ang kanyang ulo sa harap ng Diyos,

o nagmay-ari ng totoong paniniwala sa Diyos.

Hindi pa niya kailanman nakuha ang awa

at pagpaparaya ng Diyos.


IV

Kung ang isang tao’y madalas na tumatanggap

ng pag-aalaga ng Diyos

at nakukuha ang Kanyang awa at pagpapahintulot,

kung gayon ang taong ito’y walang alinlangang

may totoong paniniwala sa Diyos

sa kanyang puso.

At ang kanyang puso’y

hindi sumasalungat sa Diyos.

Madalas siyang nagsisisi sa Diyos.

Kahit na ang disiplina ng Diyos

ay bumababa sa taong ito,

ang Kanyang galit ay hindi.

Sa madaling salita, ang awa o poot ng Diyos

ay batay sa mga gawa ng tao

at ang kanyang saloobin sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sinundan: 955 Malinaw ang mga Layunin at Prinsipyo ng mga Kilos ng Diyos

Sumunod: 957 Umaasa ang Diyos na Tunay na Magsisi ang Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito