955 Malinaw ang mga Layunin at Prinsipyo ng mga Kilos ng Diyos
I
Ang pagbabago ng Diyos ng paraan Niya
sa mga tao ng Ninive’y
walang pagkaantala
o anumang ‘di tiyak o malabo.
Ito’y ganap na pagbabago
mula sa galit tungo sa pagpaparaya,
tunay na pagpapahayag ng diwa ng Diyos.
Ang Diyos ay ‘di kailanman
nag-aalangan o nag-aatubili.
Mga prinsipyo’t layunin Niya’y
dalisay at malinaw.
Sa Kanya walang kadiliman,
sa Kanya walang kasamaan.
Mga gawa ng Diyos ay walang daya o balakin.
II
Nagalit ang Diyos sa masasamang taga-Ninive;
no’ng panahong ‘yon
ang galit ng Diyos ay mula sa Kanyang diwa.
Ngunit nung nagparaya ang Diyos
sa mga taga-Ninive,
lahat ng ‘pinahayag ng Diyos
ay sariling diwa pa rin.
Ang Diyos ay ‘di kailanman
nag-aalangan o nag-aatubili.
Mga prinsipyo’t layunin Niya’y
dalisay at malinaw.
Sa Kanya walang kadiliman,
sa Kanya walang kasamaan.
Mga gawa ng Diyos ay walang daya o balakin.
III
Sa pagbago ng tao sa paraan niya,
binago ng Diyos ang pakikitungo Niya.
Ngunit disposisyon ng Diyos
ay ‘di pa rin maaaring labagin;
‘di binago ng Diyos ang diwa
ng pagpaparaya Niya,
ni ang Kanyang mapagmahal
at maawaing diwa.
Ang Diyos ay ‘di kailanman
nag-aalangan o nag-aatubili.
Mga prinsipyo’t layunin Niya’y
dalisay at malinaw.
Sa Kanya walang kadiliman,
sa Kanya walang kasamaan.
Mga gawa ng Diyos ay walang daya o balakin.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II