857 Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma’y Hindi Tumigil
“At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon
na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man;
na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:
At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive,
sa malaking bayang yaon,
na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao
na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay
at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?”
Ⅰ
Ang “habag ng Lumikha” ay ‘di hungkag na kasabihan,
ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapuwa’t ang salita ng Lumikha kay Jonas
ay nananatiling ang natatangi Niyang
pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano N’ya ipinapakita ito,
kung gaano S’ya magpaubaya sa tao,
at ang tunay N’yang damdamin sa kanila.
Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni’t awa N’ya’y ‘di kailanman tumitigil.
Nang mayro’ng awa, S’ya’y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig N’ya sa tao’y ‘di nagbabago,
pag-ibig N’ya’y ‘di kailanman magbabago!
Ⅱ
Ang pag-uusap ng Diyos na si Jehova ay nagpapakita
ng Kanyang buong kaisipan sa sangkatauhan,
isang pagpapahayag ng Kanyang puso at patunay
ng Kanyang masaganang awa sa sangkatauhan,
hindi lamang ipinagkaloob sa mga ninuno,
nguni’t maging sa mga inapo,
tulad noon at gayundin sa isang salinlahi hanggang sa susunod.
Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni’t awa N’ya’y ‘di kailanman tumitigil.
Nang mayro’ng awa, S’ya’y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig N’ya sa tao’y ‘di nagbabago,
pag-ibig N’ya’y ‘di kailanman magbabago!
Pag-ibig N’ya sa tao’y ‘di nagbabago,
pag-ibig N’ya’y ‘di kailanman magbabago!
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II