885 Ang Pinakamaalab na mga Layunin ng Diyos sa Likod ng Kanyang Gawain Upang Mailigtas ang Tao
Sa yugto ng gawain ng mga huling araw,
nakita ng tao ang pag-ibig ng Diyos,
ang pagkastigo’t paghatol Niya.
Diyos ay nagtutustos, nagtataguyod,
nagbibigay liwanag at gumagabay sa tao
upang makita ng tao’ng mga intensyon Niya
at ang katotohanang kaloob Niya sa tao.
I
Diyos ay ‘di laging
nagdidisiplina’t nagwawasto,
ni Siya ay laging
nagpapaubaya’t nagpapasensya.
Sa halip, Siya’y nagbibigay sa
bawat tao sa iba’t ibang paraan,
sa sarili nilang mga yugto,
ayon sa tayog at kakayahan.
Gumagawa Siya ng maraming bagay para sa tao
nang may sakripisyong lingid sa tao.
Tunay ang pag-ibig ng Diyos:
Sa biyaya ng Diyos,
tao’y nakaiiwas sa sakuna
oras-oras at muli’t muli.
At sa lahat ng ito’y
nagpaparaya’ng Diyos sa kahinaan ng tao.
Naghahatol Siya’t nagkakastigo,
upang katiwalian ng tao’y matanto ng mga tao.
Mapagtatanto nilang
sataniko’ng diwa ng tao.
Ang binibigay ng Diyos at patnubay Niya’y
nagpapakita sa tao ng diwa ng katotohanan,
nang malaman nila’ng kailangan ng tao,
ang daang dapat nilang tahakin,
ang halaga’t kahulugan ng buhay,
at kung pa’no lumakad sa daang tinatahak.
II
Ang mga paraan ng paggawa ng Diyos
ay walang tigil na pagsisikap
upang puso ng tao’y gisingin,
nang mapagtanto ng tao
kung sino’ng gumagabay
at sumusuporta sa kanila,
kung saan nagmula ang tao,
kung sino’ng sa kanila’y nagpapanitiling buhay,
kung sino’ng Lumikha’t dapat sambahin.
Upang malaman ng tao’ng daang tatahakin
at kung pa’no lalapit sa Diyos.
Lahat ‘to’y upang puso ng tao’y muling buhayin,
upang malaman nila’ng nasa puso ng Diyos,
upang maunawaan ng mga tao’ng
pangangalaga’t paglingap sa likod
ng gawaing ginagawa ng Diyos
upang iligtas ang tao.
‘Pag nagising ang puso ng tao,
tao’y ‘di na hihiling na patuloy mamuhay
nang may tiwaling disposisyon,
sa halip katotohana’y hahanapin
upang Diyos ay palugurin.
Tapos siya’y makalalaya mula kay Satanas
at ‘di na mapipinsala.
Mawawalan ng kontrol si Satanas,
tao’y ‘di na malilinlang.
Sa halip tao’y makikipagtulungan
sa gawai’t salita ng Diyos
upang palugurin ang puso ng Diyos,
sa gayo’y makakamit ang takot sa Diyos,
iiwas sa kasamaan.
Ito’ng dahilan kung bakit
sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI