14 Ang Diyos ay Nagpakita na sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian
I
Gumagawa’ng Diyos ng gawain
sa buong sansinukob.
Walang humpay ang mga dagundong
ng kulog sa Silangan,
niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon.
Tinig ng Diyos ang nagdala sa lahat
sa kasalukuyan.
Tinig Niya ang maglulupig sa lahat.
Sila’y madadala sa daloy na ‘to,
at mapapasakop sa Kanya.
Pagka’t matagal nang binawi ng Diyos
ang luwalhati sa lupa,
at muli Niya itong inilabas sa Silangan.
Sino’ng ‘di sabik na makita’ng
luwalhati ng Diyos?
Sino’ng ‘di sabik na naghihintay
sa pagbabalik Niya?
Sino’ng ‘di uhaw sa muling pagpapakita Niya?
Sino’ng ‘di sabik sa pagkakaibig-ibig Niya?
Sino’ng ‘di lalapit sa liwanag?
Sino’ng ‘di hahanga sa yaman ng Canaan?
Sino’ng ‘di sabik sa pagbabalik ng Manunubos?
Sino’ng ‘di humahanga
sa Kanyang may kapangyarihan?
II
Tinig ng Diyos ay dapat lumaganap
sa buong lupain.
Marami pa Siyang sasabihin
sa mga hinirang Niya.
Tulad ng malakas na kulog
na yumayanig sa mga bundok at ilog,
nagsasalita Siya sa buong sansinukob
at mga tao.
Kaya’t mga salita ng Diyos
ay nagiging yaman ng tao,
mga ito’y itinatangi ng lahat.
Kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran.
Mga salita ng Diyos ay ayaw isuko ng tao,
at mga ito’y ‘di maarok ngunit dala’y galak.
Tao’y nagagalak at nagdiriwang
sa pagdating ng Diyos,
na tila kasisilang lang ng isang sanggol.
Tinig ng Diyos ay umaakit sa tao sa harap Niya.
Diyos ay pormal na pumapasok
sa mga tao mula roon,
Siya’y sinasamba ng mga tao dahil dito.
Dahil sa luwalhati’t mga salitang bigay ng Diyos,
lahat ay humaharap sa Diyos
at kita’ng kidlat mula sa Silangan.
III
Diyos ay bumaba na sa
“Bundok ng mga Olibo” sa Silangan.
Matagal na Siyang nandito,
‘di na bilang Anak ng Hudyo.
Siya’y Kidlat ng Silangan.
Nilisan Niya ang tao’t ngayon ay nagpapakita,
puno ng Kanyang luwalhati.
Siya’ng Diyos na sinamba
bago ang mga kapanahunan,
ang sanggol na iniwan ng mga Israelita
sa mahabang panahon bago ngayon.
Siya’ng Makapangyarihang Diyos
ng kasalukuyang panahon!
Ang nais Niyang makamit
ay walang iba kundi ito:
Tao’y lumapit sa harap ng trono ng Diyos,
upang makita’ng mukha’t mga gawa’t
marinig ang tinig Niya.
Ito ang wakas at sukdulan ng plano Niya,
at layunin ng pamamahala ng Diyos.
Upang lahat ng bansa’y
sambahin at kilalanin Siya.
Lahat ng tao’y nagtitiwala’t
napapailalim sa Kanya!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob