13 Nagniningning ang Kaluwalhatian ng Diyos mula sa Silangan
I
Nang Diyos ay pumasok sa bagong langit, lupa,
saka Niya inihayag isa pang parte
ng luwalhati Niya.
Una Niyang inihayag ‘to sa lupain ng Canaan,
at kumislap ang liwanag sa mundong madilim.
Lahat lumalapit sa liwanag,
humuhugot ng lakas dito,
kaya nag-iibayo ang luwalhati Niya
at malalaman na dumating ang Diyos
sa lupa noon pa,
mula Israel hanggang Silangan
dala’ng luwalhati Niya.
‘Pagkat luwalhati Niya’y
nagniningning sa Silangan,
dinala sa araw na ito
mula sa Panahon ng Biyaya.
Ngunit sa Israel Siya ay lumisan,
at mula roo’y dumating at nanatili sa Silangan.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
Diyos ay bumaba na sa Silangan ‘di sa Kanluran.
Dinala na ang lupain, lupain ng Canaan
sa mga silangang bayan.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
II
‘Pag liwanag sa Silanga’y unti-unting pumuputi,
kadiliman sa lupa ay magiging liwanag.
Malalamang noon pa nilisan ng Diyos ang Israel,
at bumabangong muli
sa Silangan sa panahong ito.
Minsan nang bumaba ang Diyos sa Israel,
nilisan ang lupaing iyon nang maglaon.
‘Pagkat ang gawain Niya’y
namumuno sa buong sansinukob,
‘di na Siya muling maisisilang sa Israel.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
Diyos ay bumaba na sa Silangan ‘di sa Kanluran.
Dinala na ang lupain, lupain ng Canaan
sa mga silangang bayan.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
III
Nais Niyang dalhin lahat ng tao sa Canaan;
nagsasalita mula Canaan
upang pamunuan ang sansinukob.
Walang liwanag sa lupa maliban sa Canaan.
Kung tao’y ‘di makararating doon,
may ginaw at gutom.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
Diyos ay bumaba na sa Silangan ‘di sa Kanluran.
Dinala na ang lupain, lupain ng Canaan
sa mga silangang bayan.
Kumikislap ang kidlat mula Silangan
hanggang Kanluran.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob