224 Determinadong Tapat na Bigyang-lugod ang Diyos

1 Nakikita kong nalalapit na ang araw na makakamit ng Diyos ang kaluwalhatian. Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, napupuno ako ng pagsisisi. Masyado akong suwail sa mga pakikipag-usap ko sa Diyos, at masasamang alaala ang naiwan sa akin. Namumuhi ako sa aking sarili sapagkat huli na nang ako’y matauhan, nakokonsensya sa pagkabigong masuklian ang pag-ibig ng Diyos. Wala akong ginawa na umayon sa kalooban ng Diyos, kaya’t paano ako magagalak at mapapanatag? Naging tao ang Diyos upang gumawa sa sanlibutan, namumuhay kasama ng tao’t nakikibahagi sa kanilang pagdurusa. Lubhang makabuluhan ang magawang ibigin ang Diyos; namumuhi lang ako sa aking sarili sa aking kawalan ko ng konsensya o katwiran. Dahil nabigo akong mahalin Siya nang taimtim, malaki ang utang na loob ko sa Diyos.

2 Tinatamasa ko ang matinding pag-ibig ng Diyos, at hangad ng puso kong Siya ay agad na masuklian. Gayunman, naghihimagsik ang kalikasan ko at hindi ko isinasagawa ang katotohanan, at marami akong napalagpas na pagkakataon para magawang perpekto. Tanging pagsisisi’t panghihinayang ang naiwan sa akin, kaya’t lalo ko pang kinamumuhia’t kinasusuklaman ang aking sarili. Nakikita na wala akong realidad ng katotohanan, at na pabaya pa rin ako sa pagtupad sa aking tungkulin, Nag-aalala ako, at mapait na lumuluha, ramdam na ramdam kong hindi ko kayang humarap sa Diyos. Sa maingat na pagbibilang sa biyaya ng Diyos, nakikita ko kung gaano kabuti at kaibig-ibig ang Diyos. Nagbayad ang Diyos ng napakalaking halaga upang ihatid sa akin ng kaligtasan, kaya’t bakit hindi ko masuklian ang pag-ibig Niya? Bagama’t hindi ko pa naiwawaksing ganap ang aking katiwalian, gagawin ko ang makakaya ko upang hanapin ang katotohanan. Sa huling yugto ng daan, nais kong tapat na bigyang-lugod ang Diyos.

Sinundan: 223 Mahalaga ang Buhay

Sumunod: 225 Nais Kong Ihandog ang Aking Katapatan sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito