151 Pagtitipon sa Sion
Ⅰ
Si Cristo ng mga huling araw
ay ipinapahayag ang katotohanan,
nagpapakita sa mundo sa Silangan.
Lahat ng tao’y lumuluhod at sumasamba sa Kanya.
Lahat ng tinig papuri ang kinakanta.
Ang sansinukob ay magpapanibago.
Ang buong mundo’y puno ng papuri’t Kanyang katuwiran.
Dahil ito’y naging langit at lupa ng Diyos.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos,
isang lugar na maganda’t masaya.
Ang magtipon nang sama-sama’y kagalakan.
Tamasahin walang katapusang kagalakan ng pamilya.
Ⅱ
Mukha ng Diyos, gaya ng tagsibol, ay maaliwalas na nakangiti.
Ang araw ng Diyos ay dumating na.
Sa langit, lahat ng puting ulap ay sumasalubong sa Kanya,
dahil matagumpay Siyang nagbabalik.
Ang puso ng Diyos ay puno ng tuwa.
Lumuluwag ang puso Niya’t labis na naaantig.
Nagbabalik ang Diyos sa Kanyang tahanan,
init ng pamilya’y muling natitikman.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos,
isang lugar na maganda’t masaya.
Ang magtipon nang sama-sama’y kagalakan.
Tamasahin walang katapusang kagalakan ng pamilya.
Ⅲ
Kaluwalhatian ng Diyos ay sumisikat at nagliliwanag.
Nagagalak mga bundok, mga tubig ay humahalakhak.
Ang araw at buwan at mga bituin sa paligid
nakahanay para Diyos ay salubungin.
Kinukumpleto Niya ang anim na libong taong plano,
at matagumpay na nagbabalik.
Tayo’y nagbubunyi at tumatalon sa galak.
Makapangyarihang naghahari ang Diyos sa buong mundo. Oh~
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos,
isang lugar na maganda’t masaya.
Ang magtipon nang sama-sama’y kagalakan.
Tamasahin walang katapusang kagalakan ng pamilya.
O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos,
isang lugar na maganda’t masaya.
Ang magtipon nang sama-sama’y kagalakan.
Tamasahin walang katapusang kagalakan
ng pamilya, ng pamilya, ng pamilya.