150 Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko’y sa’Yo
Ⅰ
Kaninong mga salita ang pinakamatamis,
at pinalakas ang aking espiritu?
Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,
at kinuha ang aking puso?
Kaninong gawain ang pinaka-kahanga-hanga,
nililinis ang katiwalian ng sangkatauhan?
Sino ang nagbibigay sa akin ng malaking kaligtasan,
at nagdadala sa akin sa harap ng trono?
Sino ang nagbibigay sa akin ng isang tunay na buhay ng tao,
na pinapayagan akong makita muli ang liwanag?
Sino’ng pinaka-kaibig-ibig na Persona na palagi kong iniisip?
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, Ika’y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko’y sa ‘Yo.
Ⅱ
Pinamahalaan mo ang sangkatauhan
sa loob ng anim na libong taon,
hindi kailanman huminto sa Iyong gawain.
Ngayon Ika’y naging katawang-tao muli,
upang makamit ang mga tao.
Ika’y napapabuntung-hininga sa mga ulap,
katiwalian ng sangkatauha’y napakalalim.
Umuupo Ka sa langit na nanonood ng mga kinikilos ng mga tao.
Naglalakad Ka kasama ang mga tao
at nakikipag-ugnayan sa kanila,
nakakaranas ng mga paghihirap sa mundo.
Nagbibigay Ka ng dugo ng Iyong puso, binibigay ang lahat
upang maperpekto ang mga nagmamahal sa ‘Yo.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ika’y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko’y sa ‘Yo.
Ⅲ
Ano ang dapat makuha sa huli ng mga tao sa paniniwala sa Diyos?
Kaalaman tungkol sa Diyos at sa katotohanan.
Anong kahirapan ang pinaka-kapaki-pakinabang?
Iyong nagdudulot ng pagbabago sa disposisyon ng tao.
Anong mga sakripisyo ang makabuluhan?
Yaong mga pinuri ng Diyos.
Anong uri ng pagmamahal sa Diyos ang pinaka tunay?
Pag-ibig sa Kanya sa buong puso at isipan.
Inaasahan ng Diyos na ang mga tao ay mababago
sa disposisyon sa buhay at makakamit Niya.
Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang masiyahan Siya,
at paginhawahin ang Kanyang puso.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ika’y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko’y sa ‘Yo.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ika’y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko’y sa ‘Yo.