28 Tayo ay Nagtitipon sa Galak Upang Purihin ang Diyos
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Tungkulin natin na magpatotoo sa Diyos at purihin ang Diyos.
Ⅰ
Tayo ay nagtitipon sa galak upang purihin ang Diyos, at tayo ay napakasaya.
Pinupuri natin ang Diyos sa katawang-tao sa pagsisimula Niya ng isang bagong kapanahunan.
Ang Diyos Mismo ang gumagawa at nagsasalita sa gitna natin,
hinahatulan Niya ang lahat ng kawalan ng katarungan ng tao
at inihahayag ang kanilang katiwalian.
Sinusundan natin ang mga yapak ng Diyos at dumadalo sa piging.
Harapan, nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos,
ang Kanyang disposisyon, maawain, maharlika at matuwid.
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Ⅱ
Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos, nananalangin sa Diyos,
at may lakas tayo sa ating mga puso.
Sa pag-unawa sa katotohanan,
mayroon tayong isang bagong daan na susundan at nasisiyahan sa ating mga puso.
Isinasabuhay natin ang katotohanan upang mapalugod ang Diyos at payapa ang ating mga puso.
Sumasailalim tayo sa paghatol ng Diyos at nililinis Niya ang ating katiwalian.
Napakakaibig-ibig ang Kanyang matuwid na disposisyon.
Natikman na natin ang tunay na pagmamahal ng Diyos at nakamit ang Kanyang dakilang pagliligtas.
Tayo ay pinagpapala kapag tayo ay nagpupuri at nagpapatotoo sa Kanya.
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Ⅲ
Natalo ng Diyos si Satanas at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Ang malaking pulang dragon ay lubusang
ipinahiya at napagtagumpayan.
Ang mga kilos ng Diyos ay ganap na inihayag sa sangkatauhan.
Nakikita natin ang Diyos na napakadunong at makapangyarihan.
Sa Kanyang pagliligtas, tiyak na ipinapakita ng Diyos ang gayong biyaya.
Ganap na nakumbinsi, tayo ay yumuyuko sa taos-pusong pagsamba.
Salamat sa paghatol ng Diyos, pagdadalisay para sa ating kaligtasan.
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!
Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!