27 Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagliligtas sa Atin
1 Sinong nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan? Sinong nagbibigay ng paghatol mula sa Kanyang luklukan sa puting trono? Ito ang Makapangyarihang Diyos, nagkatawang-tao sa mga huling araw. Bumibigkas Siya ng mga salita upang kumatok sa pintuan ng tao. Inilalayo Niya tayo sa mundo, at inililigtas tayo sa katiwalian ni Satanas. Sa pag-unawa sa katotohanan, nadadalisay tayo at nabubuhay sa liwanag. Kapag katabi ang Diyos at kasama natin ang Diyos, tunay na maligaya ang ating mga buhay. Sinong nagbibigay ng katotohanan at buhay sa atin? Sinong nagdadala ng liwanag sa mundo? Ang minamahal na Makapangyarihang Diyos. Nagsasalita at gumagawa Siyang kasama natin araw-araw. Pinapastol at dinidiligan Niya tayo nang harapan. Napakapalad nating maranasan ang Kanyang tunay na pag-ibig. Lubos ang pananampalatayang sumusunod tayo sa Diyos. Tinutupad natin ang ating mga tungkulin, nagpapatotoo para sa Diyos at niluluwalhati Siya.
2 Kaninong mga salita ang tulad ng matalim na espada na tumatagos sa ating mga puso? Kaninong pag-ibig para sa tao ang pinakadalisay, ang pinakamaganda? Ang Makapangyarihang Diyos, nagkatawang-tao sa mga huling araw. Nilalantad ng Kanyang mga salita ang diwa at ugat ng katiwalian ng sangkatauhan. Nararanasan natin ang paghatol at mga pagsubok ng mga salita ng Diyos, at nakikita nating matuwid at banal ang disposisyon ng Diyos. Nadalisay ang ating mga tiwaling disposisyon, at mayroon na tayong pagkakatulad sa tao. Nararanasan natin ang pag-ibig ng Diyos at hindi natin mapigilang purihin Siya. Sinong dumadalisay at nagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sinong nagdadala sa sangkatauhan sa magandang patutunguhan? Ang Makapangyarihang Diyos na ang gawain ay matalino at makapangyarihan sa lahat. Tinatalo Niya si Satanas, pineperpekto ang Kanyang mga tao, at nakakamit ang kaluwalhatian. Napakapalad natin na matamo ang kaligtasan! Tunay ngang kahanga-hanga na makita ang mga salita ng Diyos na ginagamit ang pagiging makapangyarihan sa lahat! Ipinalalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian nang may lubos na pananampalataya. Tinutupad natin ang ating tungkulin, nagpapatotoo sa Diyos at mamahalin natin Siya habambuhay!