636 Ikaw Ba ay Isang Tao na Nakatamo ng Pagkastigo at Paghatol?
1 Ang iyo bang hinahabol ay ang malupig pagkatapos ng pagkastigo at paghatol, o malinis, maingatan at makalinga matapos ang pagkastigo at paghatol? Alin sa mga ito ang iyong hinahabol? Makahulugan ba ang iyong buhay, o ito ay walang-layunin at walang-halaga? Gusto mo ba ang laman, o nais mo ang katotohanan? Hinihiling mo ba ang paghatol, o kaginhawahan? Yamang napakalawak ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, at yamang namasdan mo ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos, paano ka dapat naghahabol? Paano ka dapat lumalakad sa landas na ito? Paano mo dapat isagawa ang iyong pag-ibig sa Diyos? Ang pagkastigo at paghatol ba ng Diyos ay nagkaroon ng epekto sa iyo?
2 Kung ikaw man ay may kaalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos o wala ay nakasalalay sa kung ano ang iyong isinasabuhay, at kung hanggang saan mo iibigin ang Diyos! Sinasabi ng iyong mga labi na iniibig mo ang Diyos, ngunit ang iyong isinasabuhay ay ang luma at tiwaling disposisyon; wala kang takot sa Diyos, at lalong wala kang konsensya. Iniibig ba ng gayong mga tao ang Diyos? Ang gayong mga tao ba ay matapat sa Diyos? Sila ba yaong mga tumatanggap sa pagkastigo at paghatol ng Diyos? Sinasabi mong iniibig mo ang Diyos at naniniwala ka sa Kanya, ngunit hindi mo binibitawan ang iyong mga kuru-kuro. Sa iyong gawain, pagpasok, mga salitang iyong sinasambit, at sa iyong buhay, walang pagpapahayag ng iyong pag-ibig sa Diyos, at walang paggalang sa Diyos. Siya ba yaong nakatamo ng pagkastigo at paghatol ng Diyos?
3 Maaari kayang ang taong gaya nito ay si Pedro? Ang mga yaon ba na katulad ni Pedro ay mayroon lamang ng kaalaman ngunit hindi ang pagsasabuhay? Si Pedro ba ay nanalangin lamang, at hindi isinasagawa ang katotohanan? Para kaninong pakinabang ang iyong paghahabol? Paano ka dapat tumanggap ng proteksyon at paglilinis sa panahon ng pagkastigo at paghatol ng Diyos? Hindi ba kapaki-pakinabang sa tao ang pagkastigo at paghatol ng Diyos? Kung ang tao ay nabubuhay sa kaaya-aya at maginhawang kapaligiran, isang buhay na walang paghatol, malilinis ba siya? Kung nais ng tao na siya ay mabago at malinis, paano niya tatanggapin ang pagiging nagawang perpekto? Alin ang landas na dapat mong piliin ngayon?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol