637 Mundo Ba ang Iyong Pahingahan?
Mga taong di namumuhay ayon
sa Aking salita at lumalayo sa pagsubok,
ay nagpapatangay lang sa mundo,
parang mga dahon, hinihipan ng hangin.
Ⅰ
Papaga-pagaspas sila.
Walang mapagpahingahan,
at di naaaliw sa Aking mga salita.
Mga pulubi lang sila sa lansangan,
sa labas ng kaharian ng langit.
Gumagala kung saan-saan,
kahit pagkastigo’t pagpipino Ko’y
di sila sinusundan.
Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?
Madali ka bang makakangiti sa mundong ito
kung naiwasan mo pagkastigo Ko?
At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo
para pagtakpan ang hungkag na damdamin
sa puso mo na di maitago?
Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,
pero Ako di mo maloloko.
Ⅱ
Dahil pananalig mo’y napakahina,
galak ng buhay di mo pa nakita.
Maging tapat ka, ang giit Ko
at iukol sa AKin kalahati ng buhay mo.
Mas mabuti ‘to kaysa habambuhay kang
pangkaraniwan, nagsisikap para sa laman,
nagtitiis ng lahat ng sakit at pagdurusa
na halos di makayanan.
Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?
Madali ka bang makakangiti sa mundong ito
kung naiwasan mo pagkastigo Ko?
At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo
para pagtakpan ang hungkag na damdamin
sa puso mo na di maitago?
Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,
pero Ako di mo maloloko.
Ⅲ
Bakit mahal na mahal mo ang sarili mo
at tinatakasan Aking pagkastigo?
Maikli Kong pagkastigo, ano’ng silbing iwasan
at mapahiya’t maparusahan magpakailanman?
Matitiyak mo bang mundo ang pahingahan mo?
Madali ka bang makakangiti sa mundong ito
kung naiwasan mo pagkastigo Ko?
At magagamit mo ba ang panandaliang galak mo
para pagtakpan ang hungkag na damdamin
sa puso mo na di maitago?
Maloloko mo ang sinumang kapamilya mo,
pero Ako di mo maloloko.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao