241 Ang Pagtanggi sa Wakas-ng-Panahong Cristo ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu

I

Si Cristo’y dumarating sa mga huling araw

upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya

ay mabigyan ng buhay.

Gawain Niya’y para sa kapakanan

ng pagtapos sa lumang kapanahunan

at pagpasok sa bago’t

gawain Niya’y ang landas

na dapat tahakin ng lahat ng papasok

sa bagong kapanahunan.

Kung Siya’y ‘di mo kayang kilalanin,

at sa halip Siya’y ‘yong kinokondena,

nilalapastangan, o Siya’y inuusig mo pa,

kung gayon ika’y nakatakdang masunog

nang walang hanggan

at ‘di kailanman makapapasok

sa kaharian ng Diyos.


II

‘Pagkat ang Cristong ito’y

ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu,

ang pagpapahayag ng Diyos,

ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos

na gawin ang gawain Niya sa lupa.

Kaya sinasabi ng Diyos na kung ‘di mo tanggap

lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw,

kung gayon ay nilalapastangan mo

ang Banal na Espiritu.

Ang kaparusahang dapat matanggap

ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu

ay maliwanag sa lahat.

Ang kaparusahang dapat matanggap

ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu

ay maliwanag sa lahat.


III

Sinasabi rin ng Diyos sa iyo na

kung si Cristo ng mga huling araw

ay nilalabanan o itinatakwil mo,

wala nang ibang papasan

ng mga kahihinatnan para sa iyo.

Higit pa rito, mula sa araw na ‘to,

wala ka nang pagkakataong makamit

ang pagsang-ayon ng Diyos;

kahit subukan mong tubusin ang sarili,

hindi mo na mapagmamasdang muli

ang mukha ng Diyos.

‘Pagkat ang nilalabanan

o ang itinatakwil mo’y ‘di isang tao,

‘di hamak na nilalang, kundi si Cristo.

Alam mo ba kung ano’ng kahihinatnan nito?


IV

‘Di isang maliit na pagkakamali

ang magagawa mo,

kundi isang karumal-dumal na krimen.

Kaya payo ng Diyos sa lahat na

huwag ilabas ang inyong mga pangil

sa harap ng katotohanan,

o pumuna nang walang-ingat,

‘pagkat tanging katotohanan lang

ang magdadala sa ‘yo ng buhay,

tanging katotohanan lang

ang magdadala sa ‘yo ng buhay,

at walang iba kundi ang katotohanan

ang makapagdudulot sa iyo

na ikaw ay muling isilang

at iyong muling mamasdan ang mukha ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: 240 Ang mga Tumanggi kay Cristo ng mga Huling Araw ay Paparusahan Magpakailanman

Sumunod: 242 Ang mga Nagtatakwil kay Cristo ng mga Huling Araw ay Ikinaklasipika bilang mga Naglalapastangan sa Banal na Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito