303 Ang Pagsunod kay Cristo ay Inorden ng Diyos
I
‘Pag nahaharap tayo sa pagsubok at pighati,
tayo’y tunay na pinagpapala ng Diyos.
Sabi ng Diyos na kung tumatahak tayo
sa baku-bako,
mas naipapakita nito’ng pag-ibig natin.
Ang tinatahak natin ang ‘tinakda na ng Diyos.
Ang pinakadakilang biyaya’y
sundin si Cristo ng mga huling araw.
Inorden na ng Diyos
na sundin natin si Cristo,
tiisin ang pagsubok at pighati.
Kung tunay nating mahal ang Diyos,
dapat sundin natin
ang soberanya’t mga plano Niya.
II
Pagsubok at pighati,
pasakit nilang dinaranas ko;
ramdam ko’ng paghatol ng salita ng Diyos,
ngunit dala nito’y ginhawa’t
kita ko na ang biyaya’t pag-ibig ng Diyos.
Masaya ako sa presensya Niya’t
may galak at kapayapaan.
Sa mga salita ng Diyos, may kumpiyansa akong
manindigan sa aking patotoo.
Inorden na ng Diyos
na sundin natin si Cristo,
tiisin ang pagsubok at pighati.
Kung tunay nating mahal ang Diyos,
dapat sundin natin
ang soberanya’t mga plano Niya.
III
Sa panahon ng panganib,
‘pag mahinahon kong hinaharap ang kamatayan,
kita ko’ng kamay ng Diyos;
Siya’y kasama ko lagi.
Lakas ko ay mula sa mga salita ng Diyos;
hanggang ngayon
ito’y pinananatili akong sumusunod.
Si Cristo’y kaibig-ibig; Siya’ng aking Diyos.
Labis na nagdurusa’ng Diyos
upang tao’y mailigtas.
Bilang tao, dapat akong
mamuhay para sa Diyos.
Ang mahalin ang Diyos at magpatotoo sa Kanya—
ito’ng landas na dapat kong tahakin.
Sa paghahangad ng pagmamahal sa Diyos,
anumang paghihirap ay dapat lang pasanin.
Kaharap ko ang Diyos
habang nakasunod kay Cristo.
Si Cristo’ng katotohanan
at ang praktikal na Diyos.
Magpapatotoo ako’t
mamahalin ang Diyos magpakailanman.
Inorden na ng Diyos
na sundin natin si Cristo,
tiisin ang pagsubok at pighati.
Kung tunay nating mahal ang Diyos,
dapat sundin natin
ang soberanya’t mga plano Niya.