304 Nais Ko Lamang Magkamit ng Katotohanan at Hindi na Malugmok Muli
Malinaw ko nang nakita
ang kasamaa’t kadiliman ng mundo,
at ‘di na bulag na susunod sa kalakaran.
I
Makapangyarihang Diyos lang makaliligtas sa tao;
sabi ng puso ko’y totoo ito.
Ba’t ‘di ko matanggap ang katotohanan,
sundin Siya? Ba’t umiiwas pa rin ako?
Napakalugmok ko na ba
at mawawasak bilang isang mangmang?
Nakita ko’ng mga sakuna
at nagising mula sa panaginip nang may kaba.
Ayaw kong manatiling negatibo at lugmok.
Babangon ako mula ngayon.
Ngayon ako’y babangon.
‘Di bilang duwag kundi bilang isang mandirigma.
II
Nais ko lang makamit ang katotohanan;
lumaban para kay Cristo,
magpatotoo sa Makapangyarihang Diyos,
magpasakop sa disenyo Niya.
At tatalima’t susunod ako sa Kanya
sa buong, sa buong buhay ko,
sa buong buhay ko.
Nais ko lang makamit ang katotohanan;
lumaban para kay Cristo,
magpatotoo sa Makapangyarihang Diyos,
magpasakop sa disenyo Niya.
At tatalima’t susunod ako sa Kanya
sa buong, sa buong buhay ko.