996 Paano Susundang Mabuti ang Huling Bahagi ng Landas

Tandaan na ang mga salitang ito’y nasabi na:

Dadanas ka ng mas matinding paghihirap.


I

Ang maperpekto ay ‘di simple o madali.

Kahit pa’no dapat taglay mo’ng pananalig ni Job.

Pagsubok mo sa hinaharap

ay hihigit pa sa kay Job;

dapat sumailalim sa matagalang pagkastigo.

Kung ‘di mapapabuti ang kakayahan mo,

kung kulang ang kakayahan mong umunawa,

kung kaalaman mo’y masyadong maliit,

sa panahong ‘yon, ‘di ka makakapagpatotoo.


Magiging isang biro ka,

isang laruan kay Satanas.

Kung ‘di mapanghawakan ang pangitain,

wala kang pundasyon, at ika’y iwawaksi!


II

Walang bahagi ng daa’ng madaling tahakin,

kaya siguraduhing ‘di mo ‘to binabalewala.

Pag-isipang mabuti ito’t ihanda ang sarili,

upang wasto mong matahak ang huling bahagi.

‘Wag balewalain ito.

Ito ang landas para sa lahat,

ang landas na dapat tahakin.

‘Wag isiping mga salita Niya’y walang kabuluhan.

Panaho’y darating na gagamitin mo ‘to lahat.


Sarili mo’y ihanda ngayon,

at ang landas na tatahakin.

Mag-alala pa’no ka manindigan.

Maging handa sa hinaharap,

‘wag maging matakaw o tamad!


III

Hustong gamitin ang oras

upang makamit ang kailangan mo.

‘Binibigay ng Diyos sa ‘yo’ng lahat

upang makaunawa ka.

Sa mas matinding paghihirap,

lahat ay magkakamit ng

tunay na pagkaunawa.


Ito ang mga hakbang ng gawain.

Unawain ang pangitain,

kamtin ang tunay na tayog,

upang paghihirap mo’y ‘di ka dudurugin;

mga ‘yon ay kaya mong tiisin.


IV

‘Pag natapos na ng Diyos

itong huling hakbang ng gawain

at ang pagbigkas ng mga huling salita,

kailangang tahakin ng tao ang sariling landas.

Tutuparin nito ang mga salitang sinabi noon:


Ang Espiritu’y may atas para sa bawat tao,

at gawaing gagawin sa bawat isa.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Tahakin ang Huling Bahagi ng Landas

Sinundan: 995 Dapat Ninyong Pahalagahan ang mga Pagpapala sa Kasalukuyan

Sumunod: 997 Kapag Hinahampas ng Diyos ang Pastol

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito