997 Kapag Hinahampas ng Diyos ang Pastol
1 Sa hinaharap, tatahakin ng lahat ang landas na dapat nilang tahakin, na inaakay ng Banal na Espiritu. Sino ang magagawang magmahal sa iba habang nagdaranas ng paghihirap? Bawat indibiduwal ay may sariling pagdurusa, at bawat isa ay may sariling tayog. Walang tayog ninuman ang kapareho ng iba. Hindi magagawang mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa, o ng mga magulang ang kanilang mga anak; walang sinumang magagawang magmahal sa iba. Hindi iyon magiging kagaya ngayon, na posible pa ring magmahalan at magsuportahan. Iyon ang magiging panahon na bawat uri ng tao ay ilalantad.
2 Kapag hinampas ng Diyos ang mga pastol, magsisikalat ang mga tupa ng kawan, at sa panahong iyon ay hindi kayo magkakaroon ng tunay na lider. Magkakawatak-watak ang mga tao—hindi iyon magiging kagaya ngayon, na maaari kayong magtipun-tipon bilang isang kongregasyon. Sa hinaharap, ipapakita ng mga walang gawain ng Banal na Espiritu ang tunay na kulay nila. Ipagbibili ng mga lalaki ang kanilang asawa, ipagbibili ng mga babae ang kanilang asawa, ipagbibili ng mga anak ang kanilang mga magulang, at uusigin ng mga magulang ang kanilang mga anak—ang puso ng tao ay hindi maaarok! Ang tanging magagawa ay kumapit ang isang tao sa kung ano ang mayroon siya, at tahakin nang wasto ang huling bahagi ng landas. Sa ngayon, hindi ninyo ito malinaw na nakikita; hindi malinaw sa inyong lahat ang hinaharap. Hindi madaling maranasan nang matagumpay ang hakbang na ito ng gawain.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Tahakin ang Huling Bahagi ng Landas