175 Pagtitipon sa mga Talahiban
1 Bawat araw, iniiwasan namin ang paghahanap ng mga pulis; walang lugar na ligtas na magtipon. Upang makapagtago mula sa mga mapang-usisang mata ng CCP, patago kaming nagtitipun-tipon sa gitna ng napakalawak na damuhan. Pinaliliwanag ng malamlam na sulo ang mga talata ng mga pahayag ng Diyos. Pabulong naming binabasa ang Kanyang mga salita, bawat isa’y nagbabahagi ng kanyang liwanag. Habang mas nagbabahagi kami tungkol sa katotohanan, mas naliliwanagan kami, ang aming pananampalataya at kalakasan ay napapatibay. Sa kabila ng masasamang kapaligiran, matatag at payapa ang aming mga espiritu kasama ang Diyos sa aming panig. Palagi kaming nanganganib na madakip at makulong dahil sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon. Maging sa pagtitipun-tipon upang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, kailangan naming kumilos na parang mga pugante. Mandato ng langit at kabutihan ng lupa ang pananampalataya at pagsamba sa Diyos; tungkulin ito ng tao. Sa piling ng Diyos, hindi na kami napanghihinaan at natatakot. Kahit na mapanganib ang daan pasulong, kami ay nakapagpasya na: Susundan namin si Cristo at tatahakin ang tamang landas ng buhay.
2 Sa pag-alaala sa napakagulong daan ng aming pananampalataya sa Diyos, napupuno kami ng damdamin. Kung wala ang mga salita ng Diyos upang akayin kami, marahil ay hindi na kami umabot sa ngayon. Sa panahon ng maraming pagtitipon, napaligiran kami ng mga pulis. At tanging sa pamamagitan lamang ng pangangalaga ng Diyos na mapalad kaming nakatakas at nakita ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Sa loob ng maraming taon, hindi kami nangahas umuwi sa tahanan, at palipat-lipat lamang na tumatakas. Nang kami ay mahina, tinulungan at pinalakas kami ng mga salita ng Diyos. Pinahintulutan ng Diyos ang pag-uusig at paghihirap na ito, ginagamit si Satanas upang gawing perpekto ang aming pananampalataya. Sa pagmamasid sa kabuuan ng masamang diwa ng malaking pulang dragon, lumalawig ang aming taos-pusong pag-ibig sa Diyos. At bagama’t hindi namin alam kung gaano katagal ang gugugulin namin sa mahirap na landas na ito, kasama ang mga salita ng Diyos bilang aming gabay, sandaang beses na mas malakas ang aming pananampalataya, at tuluy-tuloy kaming sumusulong nang matatag. Gaano man kami inuusig ng malaking pulang dragon, susundan namin si Cristo hanggang sa pinakawakas, maging hanggang sa kamatayan.