223 Mahalaga ang Buhay

1 Ang napakalawak na kalangitan, maringal at kahanga-hanga, ay walang hanggang kamangha-mangha. O, mga taong nabubuhay sa mundo, sino itong dapat ninyong sundin at sambahin? Ang paglikha at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay ay puno ng misteryo; makikita natin kahit saan ang nakamamanghang mga gawa ng Diyos. Ang galaw ng lahat ng bagay sa sansinukob ay nakasalalay lahat sa mga kamay ng Diyos, at ang mga pagpapala at mga kasawian ng kapalaran ng tao ay hindi makakawala sa mga kamay ng Diyos. Lumilipas ng isang saglit lang ang buhay; kailangan nating tiyakin na walang pagsisisihan ang ating mga puso. Kung makikilala at mamahalin lamang ng isang tao ang Diyos, magkakaroon ng kahulugan ang kanyang buhay.

2 Sa pananalig sa Diyos ng maraming taon, nauunawaan ko na ang katotohanan at nalalaman ang kalooban ng Diyos. Ang kapayapaan ng puso ay dumarating lamang sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Kung magagawang mahalin ng mga tao ang isa’t isa, magiging mas masagana ang kanilang mga buhay; Ang pagsamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan ay nagdadala ng kagalakan at sigla. Sa pamamagitan ng paghatol, nauunawaan ko ang katotohanan at nalalaman ang pag-ibig ng Diyos. Nakita ko ang lalim ng aking katiwalian; hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Ang mga katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay nagpapakita sa akin ng daan ng buhay. Sa pamamagitan ng tunay na pagmamahal sa Diyos naisasabuhay ko na sa wakas ang isang buhay na makabuluhan.

3 Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao upang gumawa ay isang pambihirang pagkakataon. Ang pagdurusa at pagsailalim sa mga paghihirap upang maging perpekto ay ang pinakadakilang karangalan. Sumasailalim ako sa paghatol para madalisay at maisabuhay ang wangis ng isang tao. Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa realidad, nakakamit ko ang katotohanan at buhay. Bilang mga nilikha, ang nakatalagang tungkulin ng tao ay sumamba at magpasakop sa Diyos. Makakamit ko ang mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng paggugol ng sarili para sa Diyos at paghahanap ng katotohanan. Tutuparin ko ang aking tungkulin at misyon, mangangaral at magpapatotoo sa Diyos. Kung makakatanggap ako ng pagsang-ayon ng Diyos at makamit Niya, wala na akong pagsisisihan sa buhay.

Sinundan: 222 NakitaKo Na Ang Kariktan ng Diyos

Sumunod: 224 Determinadong Tapat na Bigyang-lugod ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito