687 Kabiguan ang Pinakamagandang Pagkakataon Upang Makilala Mo ang Iyong Sarili
1 Sa iyong pananampalataya, dapat mong matutuhang maranasan ang gawain ng Diyos at magpasakop sa Diyos. Ang pagpapasakop sa Diyos ay isang katotohanan, at ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Kung kaya mong maghanap sa direksyon ng pagpapasakop sa Diyos, nakatapak ka na sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Hindi masamang mabigo at madapa nang maraming beses; gayundin ang malantad. Napangaralan ka man, tinabas, o nalantad, kailangan mong tandaan ito sa lahat ng oras: Hindi komo inilalantad ka ay isinusumpa ka na. Mabuting bagay ang malantad; ito ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang karanasan mo sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kundisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian.
2 Kung malalaman mo ang nasa iyong kalooban, lahat ng aspetong iyon na nakatago sa iyong kaibuturan na mahirap mapansin at matuklasan, mabuti iyan. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong iyan at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nakaraan ka na sa pintuang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Usapin, at Bagay sa Malapit