688 Kahit Anupaman ang Ginagawa ng Diyos, Lahat ng Ito ay Upang Iligtas ang Sangkatuhan

1 Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya sa Kanyang pagseserbisyo, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: Bago ka Niya iligtas, kailangan ka Niyang baguhin, kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo upang ibunyag ka, para makilala mo ang iyong sarili, o kaya ay tuwiran kang maiwasto, matabasan, at mailantad. Katulad ng isang nakahiga sa isang mesa para sa operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa isang mabuting kalalabasan.

2 Kung sa tuwing ikaw ay tinatabasan at iwinawasto, at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, pinupukaw nito ang iyong mga damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ito ay ang tamang paraan upang danasin ito, at magkakaroon ka ng katayuan at makakapasok sa katotohanang realidad. Kung, tuwing ikaw ay tinatabas at iwinawasto, at tuwing isinasaayos ng Diyos ang iyong kapaligiran, wala kang nararamdamang anumang sakit o balisa o nahihirapan, at wala kang nararamdamang anuman, at kung hindi ka lalapit sa Diyos para hangarin ang Kanyang kalooban, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, talagang napakamanhid mo! Kapag napakamanhid ng isang tao, at walang espirituwal na kamalayan kailanman, mawawalan ng paraan ang Diyos na gumawa sa kanila.

3 Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, pangyayari at bagay para sa iyo, kung tinatabas at iwinawasto ka Niya at kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos, natutong hanapin ang katotohanan, at, hindi mo alam, nililiwanagan at pinaliliwanag at nagtatamo ka ng katotohanan, kung nakaranas ka na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at sumulong, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalampasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Usapin, at Bagay sa Malapit

Sinundan: 687 Kabiguan ang Pinakamagandang Pagkakataon Upang Makilala Mo ang Iyong Sarili

Sumunod: 689 Ang Pagdanas ng Pagtatabas at Pakikitungo ay Pinakamakahulugan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito