964 Ang Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay Matuwid
1 Ang pagkakilala sa Diyos ay hindi pagsasabi ng kung paano ang Diyos batay sa pananaw ng tao sa mga bagay-bagay; walang katotohanan sa paraan ng pagtanaw ng mga tao sa mga bagay-bagay. Kailangang makita mo kung ano ang diwa ng Diyos, pati na kung ano ang disposisyon ng Diyos. Hindi dapat tingnan ng mga tao ang diwa ng Diyos batay sa anumang panlabas na pangyayaring bunga ng kung ano ang ginawa o naging pakikitungo Niya. Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid; tinatrato Niya nang pantay-pantay ang bawa’t isa. Hindi ito nangangahulugang hindi kailangan ng taong matuwid na dumanas ng mga pagsubok o na kailangang protektahan ang taong matuwid; hindi ito ganito. May karapatan ang Diyos na subukin ka. Ito ay pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Gagawin Niya ang dapat Niyang gawin, at matuwid ang Kanyang disposisyon.
2 Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging makatarungan o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo alinsunod sa gawaing natapos mo, o binabayaran ka para sa anumang gawaing natapos mo, o ibinibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito katuwiran. Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: magiging matuwid din ang Diyos noon. Bakit ito tinatawag na katuwiran? Mula sa pananaw ng isang tao, kung nakaayon sa mga palagay ng mga tao ang isang bagay, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita na nakaayon ang bagay na iyon sa kanilang mga palagay—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Ang pinakadiwa ng Diyos ay katuwiran. Bagama’t hindi madaling unawain ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao.
3 Nang ibigay ng Diyos si Pedro kay Satanas, paano tumugon si Pedro? “Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabuting kalooban; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong matatalinong gawa?” Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi mo ito maarok, hindi ka dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi makatwiran para sa iyo, o kung mayroon kang anumang mga palagay tungkol doon, at hinihikayat ka nitong sabihin na hindi Siya matuwid, masyado kang hindi makatwiran. Nakikita mo na nakakita si Pedro ng ilang bagay na hindi maunawaan, ngunit sigurado siya na naroon ang karunungan ng Diyos at na nasa mga bagay na iyon ang Kanyang kabutihang-loob. Hindi maaarok ng mga tao ang lahat ng bagay; napakaraming bagay silang hindi nauunawaan. Hindi madaling malaman ang disposisyon ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi