965 Alam Mo Ba Talaga ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos?
1 Pinagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ng mga tao batay sa isang prinsipyo: Sa huli, ang kalalabasan ng mga tao ay pagpapasyahan ayon sa kanilang pagganap at pag-uugali. Maraming taong naniniwala sa Diyos ang hindi nagtutuon sa pag-unawa ng Kanyang kalooban; iniisip nila na ang lahat ng taong itinalaga ng Diyos para maligtas ay hindi maaaring hindi maligtas, at iniisip nila na ang lahat ng taong hindi itinalaga ng Diyos na maligtas ay hindi maliligtas, kahit na ano pang gawin nila. Iniisip nila na hindi pagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ng mga tao batay sa kanilang pagganap at pag-uugali. Kung ganito ka mag-isip, labis mong hindi nauunawaan ang Diyos. Kung ganito talaga ang ginawa ng Diyos, magiging matuwid ba Siya?
2 Hindi mo nakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at palaging mali ang pagkakaunawa mo sa Diyos at binabaluktot ang Kanyang mga intensyon, na nagsasanhi sa iyo na palaging maging negatibo ang pananaw sa buhay at mawalan ng pag-asa. Hindi ba ito pagpapahirap sa sarili? Sa katunayan, talaga bang nauunawaan mo, at nakasisiguro ka ba sa mga intensyon ng Diyos? Palagi mong ginagamit ang “pagtatalaga ng Diyos” upang limitahan at itatwa ang mga salita ng Diyos. Isa itong malubhang di-pagkakaunawa sa Diyos! Hindi mo nauunawaan ang gawain ng Diyos at hindi mo nauunawaan ang Kanyang kalooban o kung gaano Niya pinag-isipan ang lahat. Hindi mo nauunawaan ang mga intensyon ng Diyos, hindi ka naniniwala sa mga salita ng Diyos. Paano mo matutupad nang maayos ang iyong tungkulin upang mapalugod ang kalooban ng Diyos?
3 Napakaraming tao ang kailanma’y hindi nagtuon sa pagbabago ng kanilang mga disposisyon, at lalong hindi nagtuon sa pagsasagawa ng katotohanan. Binibigyang-pansin lamang nila ang pagtatanong kung makakamit ba nila ang isang mabuting hantungan, kung paano sila tatratuhin ng Diyos, kung mayroon Siyang pagtatalaga para sa kanila na maging Kanyang mga tao, at iba pang mga sabi-sabi. Paanong ang mga ganitong tao, na hindi gumagawa ng tapat na gawain, ay magtatamo ng buhay na walang hanggan? Ngayon taimtim Kong sinasabi sa inyo: Kung ang isang itinalagang tao ay hindi nagsasagawa ng katotohanan, sa huli ay aalisin siya; at ang isang taong taos-pusong ginugugol ang kanyang sarili at ginagawa ang kanyang pinakamahusay upang isagawa ang katotohanan ay magagawang manatiling buhay at pumasok sa kaharian ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi