890 Ang Diwa ni Cristo ay Pagmamahal

1 Para sa mga tao, ang diwa ni Cristo ay pag-ibig; para sa mga sumusunod sa Kanya, ito ay walang-hanggang pag-ibig. Kung wala Siyang pag-ibig o habag, ang mga tao ay hindi pa rin susunod sa Kanya. Sa gawaing ginagawa ng Diyos para sa sangkatauhan sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, ang Kanyang pinakamalinaw at prominenteng diwa ay pag-ibig; ito ay walang-hanggang pagpaparaya. Kung hindi ito pag-ibig at sa halip gaya ng inyong iniisip—kapag gusto ng Diyos na pabagsakin ang isang tao, ginagawa Niya; kapag kinapopootan Niya ang sinuman, parurusahan, susumpain, hahatulan, at kakastiguhin Niya ang taong iyon—gaano Siya kahigpit kung gayon! Kung galit Siya sa mga tao, manginginig sa takot ang mga tao at hindi makakatayo sa harapan Niya.... Isang paraan lamang ito ng pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Sa huli, layunin pa rin Niya ang magdala ng kaligtasan. Ang pag-ibig Niya ay nakikita sa lahat ng mga pagbubunyag ng Kanyang disposisyon.

2 Habang gumagawa nang nasa katawang-tao, ang pinakaibinubunyag ng Diyos sa mga tao ay pag-ibig. Ang pagtitiis ay pagkakaroon ng awa na nagsasanga mula sa pag-ibig na nasa loob, at ang layunin pa rin nito ay iligtas ang mga tao. Nagagawa lamang ng Diyos na kaawaan ang mga tao dahil may pag-ibig Siya. Kung tanging poot at matinding galit lamang mayroon ang Diyos, at humahatol at kumakastigo na lamang nang walang anumang pag-ibig, kung gayon babagsak sa inyong mga tao ang kalamidad. Pagkakalooban kaya Niya kayo ng katotohanan? Kung ang mga tao ay sinumpa pagkatapos na makastigo at mahatulan, kung gayon paano pa maka-iiral ang sangkatauhan ng panahong ito? Ang galit, poot at katuwiran ng Diyos ay ipinahayag lahat mula sa saligan ng pagnanais na magdala ng kaligtasan sa grupong ito ng mga tao. Ang disposisyong ito ay nagtataglay din ng pag-ibig at awa, pati na ng malawak na pagtitiis. Ang pagkapoot na ito ay nagdadala ng pakiramdam na wala nang iba pang pagpipilian, at may kasamang walang-hanggang pag-aalala at pag-asa para sa sangkatauhan!

3 Ang poot ng Diyos ay nakatuon sa katiwalian ng sangkatauhan; nakatuon ito sa pagkasuwail ng mga tao at sa kanilang mga kasalanan, nakakiling ito sa isang panig, at nakatatag sa kinasasaligan ng pag-ibig. Tanging kapag may pag-ibig saka lamang maaaring may pagkapoot. Ang pagkapoot ng Diyos sa mga tao ay iba sa pagkapoot Niya kay Satanas, sapagkat inililigtas ng Diyos ang mga tao, subalit hindi Niya inililigtas si Satanas. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay nariyan na noon pa man; mayroon na Siyang matinding galit, katuwiran, at paghatol sa simula pa lamang. Ang mga ito ay hindi basta-basta na lamang umusbong sa sandaling itinuon Niya ang mga ito sa sangkatauhan. Sa katunayan, matuwid, maringal, o mabagsik mang magalit ang Diyos, lahat ng gawaing ginagawa Niya para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay bunga ng pag-ibig. Hindi Siya nagtataglay lamang ng ilang butil ng pag-ibig para sa mga tao; isang daang porsiyento ng taglay Niya ay pag-ibig. Anumang kaunti pa, at hindi na maliligtas ang mga tao. Inihahandog ng Diyos ang lahat ng Kanyang pag-ibig sa mga tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Diwa ni Cristo ay Pagmamahal

Sinundan: 889 Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya’y Lubos Niyang Ililigtas

Sumunod: 891 Pinakamahalaga sa Diyos Yaong mga Taong Ililigtas Niya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito