61 Ang Pagpapalakas ng Loob ng Pag-ibig ng Diyos

Sa paggawa ng aking tungkulin sa pamilya ng Diyos,

naranasan ko na ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

Ang pagmamalasakit ng mga kapatid dito

ay higit pa sa lahat ng pagmamahal ng aking mga magulang.

Sa pagpupulong at pagbabahagi tungkol sa pag-ibig ng Diyos,

lahat kami ay lumuluha ng emosyon.

Tinutustusan kami sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan,

pagtulong at pagsuporta sa isa’t isa.

Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, sa pamumuhay sa harapan Niya,

ang puso ko ay panatag at puno ng liwanag.

Hangad kong mahalin ang Diyos, gawin ang aking tungkulin,

at sa gayon ay maisabuhay ang makabuluhang buhay.

Ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay biyaya at mga pagpapala ng Diyos.

Pinalalakas ang loob ko ng Kanyang pag-ibig upang mahalin at bigyang-kasiyahan Siya.

Lagi kong susundin ang Diyos at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin, at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin.


Dahil sa tiwaling kalikasan, lumalaban ang tao sa Diyos.

Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos,

nakikita ko ang katotohanan ng aking katiwalian:

Ako ay mapagmalaki, hindi matapat, kulang ng wangis ng tao.

Sa pamamagitan ng pagtatakwil sa laman, pagsasagawa ng katotohanan,

ang katiwalian ko ay nalilinis.

Araw-araw kaming dinidiligan at pinapakain ng mga salita ng Diyos.

Sa pamumuhay ng Kanyang mga salita, natatamasa ko ang Kanyang pag-ibig.

Sa pagsasagawa ng katotohanan, pagsunod sa Diyos,

mas malayo ang nararating ay mas nagliliwanag ang daan.

Hangad kong mahalin ang Diyos, gawin ang aking tungkulin,

at sa gayon ay maisabuhay ang makabuluhang buhay.

Ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay biyaya at mga pagpapala ng Diyos.

Pinalalakas ang loob ko ng Kanyang pag-ibig upang mahalin at bigyang-kasiyahan Siya.

Lagi kong susundin ang Diyos at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin, at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin.

Sa pag-uusig ng pamahalaan,

tumibay ang kalooban kong sumunod sa Diyos.

Sa kabila ng pang-aapi at mga paghihirap,

napasigla ako ng pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos.

Sa sandaling ligtas mula sa tumutugis, nakikita ko ang lakas ng Diyos.

Itinatakwil ko si Satanas, laging minamahal ang Diyos.

Naramdaman ko ang pag-ibig ng Diyos, ito ay tunay na tunay, totoo.

Ang Diyos ay matuwid, banal, karapat-dapat sa papuri.

Ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay biyaya at mga pagpapala ng Diyos.

Pinalalakas ang loob ko ng Kanyang pag-ibig upang mahalin at bigyang-kasiyahan Siya.

Lagi kong susundin ang Diyos at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin,

at susuklian ang Kanyang pag-ibig sa akin.

Sinundan: 60 Kami ang Pinakamapalad sa Lahat ng Mga Henerasyon

Sumunod: 62 Pinapayapa ang Sarili Ko sa Harap ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito