62 Pinapayapa ang Sarili Ko sa Harap ng Diyos
Ⅰ
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos, ako’y nagdarasal sa Kanya.
Ako’y dalisay at tapat na nagsasalita mula sa puso.
Mga paghihirap at pagkukulang ko’y binibigay ko sa Diyos,
tumitingin sa Kanya.
Nawa’y liwanaga’t paliwanagin N’ya ako
nang kalooban Niya’y maunawaan.
Sa tunay na paghahanap,
liwanag ng Banal na Espiritu’y makukuha.
Sa katotohanan, ako’y nakakaunawa at nakakapagsagawa.
Sa gabay ng Diyos ako’y nasa liwanag,
puso ko’y puno ng galak at tamis.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.
Ⅱ
Payapa sa harap ng Diyos, pinagninilayan ko’ng salita Niya.
Nakikita ko’ng aking katiwalian,
pa’no ko nawala ang wangis ng tao.
Sa mga paghahayag at paghatol ng salita ng Diyos
pinagninilayan ko’ng sarili ko:
Mga salita ko’y may motibo, labis akong sinungaling.
Sa tungkulin ko, ako’y walang mga prinsipyo ng katotohanan,
sa mga tuntunin, ako’y sumusunod.
Kulang ang pagmamahal ko sa iba, ako’y mayabang at maramot.
Kailangan kong mas tumanggap pa ng paghatol ng Diyos,
mga pagsubok at paglilinis.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.
Ⅲ
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos,
katotohana’y hinahanap, ako’y lumalago sa buhay.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos at nagninilay sa sarili,
tunay na pagsisisi ay nakakamit.
Malimit kong pinapayapa’ng sarili ko sa Diyos,
nakikipagniig sa Kanya.
Ako’y natatakot sa Diyos,
umiiwas sa kasamaan at namumuhay sa harap Niya.
Tinatanggap ko’ng pagsusuri Niya sa lahat ng bagay;
Ako’y nasa liwanag. Ako ay nililinis,
ako’y nagsasabuhay ng tunay na buhay.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.
Ⅳ
Sa pag-iisip sa salita ng Diyos, malaki ang aking inani na.
Ako’y niliwanagan ng Banal na Espiritu
upang umunawa ng mga katotohanan.
Sa pagtupad sa tungkulin, ako’y matatag at may kasiyahan.
Sa pagsasagawa sa salita ng Diyos,
ako’y tumatanggap ng biyaya Niya’t pagmamahal.
Sa tunay na paghahanap, liwanag ng Banal na Espiritu’y makukuha.
Sa katotohanan, ako’y nakakaunawa at nakakapagsagawa.
Sa gabay Niya, ako’y nabubuhay sa liwanag,
puso ko’y puno ng galak at tamis.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.
Puso ko’y puno ng galak at tamis.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa, sa Diyos, sa Diyos.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.
Pinapayapa ko’ng sarili ko sa Diyos.