309 Mayroon Ba Kayong Tunay na Pananampalataya at Pagmamahal kay Cristo?
1 Ninanais ninyong lahat na magantimpalaan sa harap ng Diyos at paboran ng Diyos; umaasa ang bawat isa sa mga ganoong bagay kapag nagsimula na silang maniwala sa Diyos, sapagkat abala ang bawat isa sa pagkakamit ng mas mataas na mga bagay, at walang sinumang ibig mahuli sa iba. Ganito lamang talaga ang mga tao. Dahil mismo sa katwirang ito, marami sa inyo ang patuloy na sumusubok maglangis sa Diyos na nasa langit, subalit sa katotohanan, ang katapatan at kaprangkuhan ninyo sa Diyos ay higit na maliit kaysa katapatan at kaprangkuhan ninyo sa inyong mga sarili.
2 Sa panlabas, nagpapakita kayong mga napakamasunurin sa Cristong ito na nasa lupa, subalit sa diwa, wala kayong pananampalataya sa Kanya, o hindi ninyo Siya minamahal. Na ang ibig sabihin, yaong malabong Diyos ng inyong mga damdamin ang tunay ninyong pinaniniwalaan, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos na inyong ninanasa sa gabi at sa araw, subalit hindi pa kailanman nakikita nang harapan. Patungkol sa Cristong ito, hati-hati ang inyong pananampalataya, at wala ang pagmamahal ninyo.
3 Paniniwala at pagtitiwala ang kahulugan ng pananampalataya; pagsamba at paghanga sa puso ng isang tao ang ibig sabihin ng pagmamahal, na hindi kailanman mawawalay. Subalit kulang na kulang nito ang pananampalataya at pagmamahal ninyo sa Cristo ng ngayon. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo may pananampalataya sa Kanya? Pagdating sa pagmamahal, sa paanong paraan ninyo Siya minamahal? Wala talaga kayong pagkaunawa sa disposisyon Niya, at mas lalong kaunti ang pagkaalam ninyo sa Kanyang diwa, kaya paano kayo may pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang realidad ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pagmahahal sa Kanya?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa