536 Yaong mga Hindi Naghahangad sa Katotohanan ay Hindi Makasusunod Hanggang Katapusan

Ang gawain ng Diyos sa mga tao’y

upang makamit nila ang katotohanan.

Hiling Niya’y hangarin mo ang buhay,

alang-alang sa pagperpekto sa’yo

upang gawin kang angkop sa paggamit Niya.

Ngayon lahat ng hinahangad mo’y

pagdinig sa hiwaga’t salita Niya,

pagtingin sa bago’t kalakaran ngayon.

Hanap mo lang ay busugin

ang iyong paningin at pagkamausisa.

At kung ito pa rin ang ‘yong intensiyon,

‘di mo maaabot kinakailangan ng Diyos.

Yaong ‘di hangad ang katotohanan,

‘di makasusunod hanggang katapusan.


Hindi sa walang ginagawa ang Diyos—

tao’y hindi nakikipagtulungan.

Ito’y dahil sila’y sawa na sa gawain Niya.

Tao’y gusto lang ang biyaya ng Diyos,

at ‘di pagkastigo o paghatol.

Ito’y dahil ang hangad nilang pagpalain

ay ‘di pa natupad, at sila’y negatibo’t mahina.

Yaong ‘di hangad ang katotohanan,

‘di makasusunod hanggang katapusan.


Hinahayaan ng Diyos na ang tao’y sundan Siya,

hindi sinasadyang pahirapan sila.

Sila’y mahina’t negatibo,

pagka’t intensiyon nila’y ‘di wasto.

‘Di sinasadya ng Diyos na gawing gan’to ang mga bagay.

Ang Diyos ay Diyos na nagbibigay-buhay sa tao’t

tao’y ‘di Niya madadala sa kamatayan.

Ang negatibidad ng mga tao, pag-urong at kahinaan,

ang sanhi ng mga ito’y sila mismo.

Yaong ‘di hangad ang katotohanan,

‘di makasusunod hanggang katapusan.

Yaong ‘di hangad ang katotohanan,

‘di makasusunod hanggang katapusan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Sinundan: 535 Yaong mga Hindi Naghahanap sa Katotohanan ay Pagsisisihan Ito

Sumunod: 537 Ang Paggising sa katotohanan sa Iyong Banig ng Kamatayan ay Labis na Huli

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito