301 Hindi Alam ng mga Tao ang Tunay na Mukha ng Diyos
1 Mula nang likhain ang mundo, mula sa pagtitiwali ni Satanas sa mga tao hanggang sa lawak ng pagiging tiwali nila ngayon, dahil sa kanilang katiwalian kaya mas lalo Akong naging tago, mula sa kanilang pananaw, at lalong hindi maarok. Hindi pa kailanman nakita ng sangkatauhan ang Aking tunay na mukha at hindi kailanman tuwirang nakipag-ugnayan sa Akin. Sa sabi-sabi at gawa-gawa lamang nagkaroon ng “Ako” sa imahinasyon ng tao. Samakatuwid ay naaayon Ako sa imahinasyong ito ng tao—ibig sabihin, sa mga kuru-kuro ng tao—upang maharap “Ako” sa isipan ng mga tao, upang mabago Ko ang kalagayan ng “Ako” na natanim sa kanilang isipan sa loob ng napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawain. Wala ni isang taong nakaalam nito nang lubusan.
2 Bagama’t nagpatirapa ang mga tao sa Akin at humarap sa Akin upang sambahin Ako, hindi ako nasisiyahan sa gayong mga kilos ng tao, sapagkat sa kanilang puso, hindi hawak ng mga tao ang Aking larawan, kundi isang larawang hindi sa Akin. Samakatuwid, dahil hindi nila nauunawaan ang Aking disposisyon, hindi man lamang nakikilala ng mga tao ang Aking tunay na mukha. Dahil dito, kapag naniniwala sila na nalabanan nila Ako o nalabag nila ang Aking mga atas administratibo, hindi Ko pa rin sila pinapansin—at sa gayon, sa kanilang alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kumakastigo sa kanila, o kaya ay Ako ang Diyos Mismo na hindi seryoso sa Kanyang sinasabi. Lahat ng ito ay mga imahinasyong bunga ng pag-iisip ng tao, at hindi naaayon sa mga katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 14